Bading na Bugaw, Tiklo; 5 Bebot, Nailigtas sa Human Trafficking

NAHULI SA isinagawang operasyon na Oplan Magdalena ng mga kinauukulan ang isang bakla na umano’y nambubugaw sa limang kababaihan kabilang na ang isang menor de edad sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Major Baltazar Beran ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nadakip nila ang isang bakla na nakilala sa pangalang Resty Cadiz alyas Jigs, 23, habang ibinubugaw ang limang kababaihan sa isang panciteria sa Brgy. Carig sa lungsod.

Aniya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concern citizen na mayroong nangyayari na pambubugaw sa nasabing lugar kung kaya’t kaagad silang nagsagawa ng ope-rasyon.

Pagkarating sa lugar ay naaresto kaagad ang nasabing bakla at naisalba ang limang kababaihan na ang pinakamatanda ay 20-anyos at 16 taong gulang ang pinakabata na mga tubong Baggao, Amulung sanasabing lungsod.

Samantala, nasa kustodiya na ng DSWD ang limang kababaihan habang si Resty ay hawak na ng mga kinauukulan at kakaharapin ang kasong Human Trafficking na isasampa laban sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.