Bading na anak ni Tessie Tomas, nagpakasal na sa karelasyong bading din

Tessie-TomasAY, BONGGA ang kuwentong aabangan n’yo sa amin sa Startalk sa Linggo.

May exclusive interview ako sa anak ng isang kontrobersyal na aktres na may kinalaman din sa akin.

Hindi ko pa raw puwedeng sabihin kung sino pero parang gusto ko nang sabihing may bonggang interview ako sa anak ni Rosanna Roces na si Onyok. Abangan n’yo na lang.

Dahil may kuwento kami tungkol sa relasyon at binabalak na pagpapakasal nina Aiza Seguerra at Liza Dino, may kuwento rin kami kay Tessie Tomas na suportado ang pagpapakasal ng anak niyang bading na si Robin sa matagal nitong karelasyong bading na lawyer sa New York.

Na-interview si Tessie sa presscon ng Kambal Sirena na kung saan kabilang siya sa bagong sirenaserye na ‘yun ni Louise delos Reyes at Aljur Abrenica.

Sabi ni Tessie, sampung taon na raw ang relasyon ng anak niya sa bading na lawyer na ito kaya wala raw siyang tutol sa pagpapakasal ng dalawa.

Hindi nga lang siya nakadalo dahil nasa England daw siya nu’ng araw na ‘yun.

Pero hindi raw isyu sa kanya itong sexual preference ng anak niya at tanggap na tanggap daw niya bilang ina, dahil ‘yun daw ang nagpapasaya sa kanyang anak.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.