Bading, Inatado ng Dyowa

KAMATAYAN ANG sinapit ng isang 22-anyos na bading matapos itong tadtarin ng saksak ng kanyang lover sa loob ng Cafgu detachment sa Barangay Guinhalinan sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Michael Logalao Silvarez ng Purok 2 sa naturang bayan, habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek na si James Ocquias, 27, ng Barangay Malixi, Tagbina.

Base sa report ng Caraga PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang maaktuhan ng biktima ang kanyang kalaguyo sa loob ng detachment kasama ang isang menor de edad, kaya sinita niya ito. Pero sa halip na magpaliwanag ay isinagawa ang pananaksak.

Nakatakbo palabas ng kampo si Silvarez pero hinabol ito ng kanyang lover at muling pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Hindi naman nilinaw ng mga awtoridad kung anong ginagawa ng salarin at ng menor-de-edad sa loob ng detachment nang makita ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.