Bading daw kasi: guwapong young actor, isinumbong sa manager ang pambu-bully ng isa pang young actor!

NA-SHOCK NA lang ang isang young actor nu’ng lapitan siya ng manager ng isa ring guwapong young actor. Sinita siya nito para sabihing ‘wag i-bully sa set ng kanilang teleserye ang kanyang alaga.

Siyempre, sa loob-loob ni Bagets 1, “Dapat ‘yon, hindi na niya sinusumbong. It was between us lang. Kung tunay kang lalaki, ‘di ba, ba’t mo pa ipararating doon? Ba’t kailangang magsumbong sa manager? Hindi ba niya kayang i-resolve ang issue between us?”

So ang tanong: ano ba’ng naging isyu?

Sa set ng kanilang teleserye, ang kumakalat ay bading si Bagets 2. Sa kapraningan ni Bagets 2 sa isyu, para na itong praning na feeling nito, kada lapit ng staff o ng kapwa artista ay may pinatutungkulan ito sa kanyang gender.

Eh, one time, si Bagets 1 ay nahuli si Bagets 2. Alam n’yo ba kung ano’ng ginagawa ni Bagets Praning? “Kung lipstick lang ‘yon, okay lang, eh. Lahat naman ng artistang lalaki, puwede namang mag-lipstick, eh. Eh, siya, ang inilalagay niya sa lips niya, merthiolate. Nagtaka ako, kaya sabi ko sa kanya, ‘Bro, tigil mo na ‘yang paglalagay ng merthiolate sa lips mo, baka malason ka! Ayun, ‘yung scene na ‘yon, isinumbong pa niya sa manager niya.

“Eh, ‘di ba, ba’t mo isusumbong? Hindi ka naman binu-bully or something. Concerned pa nga ako sa ‘yo. Ako kasi, kung ibu-bully mo ‘ko, ba’t ako magsusumbong sa manager ko? It’s either mananahimik na lang ako at dededmahin ko ‘yung pambu-bully ko or hahamunin kita ng suntukan para matapos na ‘to!”

‘Eto raw ang malinaw. Sa set daw ng kanilang teleserye ay amoy na amoy ang pagka-badingding daw ni Bagets 2.

At “pautot” lang daw ang loveteam ek-ek nito sa isang young actress.

“Pang-showmanship lang niya ‘yon para hindi mabuko na bakla siya!” sey pa ng young actor.

Sorry, hindi na po kami magbibigay pa ng clue.

Baka kung saan tayo mapunta. Basta siya na nga ‘yon.

(By Ogie Diaz)

 

loading...

24 thoughts on “Bading daw kasi: guwapong young actor, isinumbong sa manager ang pambu-bully ng isa pang young actor!

  1. wala namang nabalita na nag away si matt at xian…bff yun..
    at pareho silang handled by star magic haha..
    palagay ko sa growing up set yan..mga bagets daw eh…

  2. enchong dee & piolo pascual,,, kase pareho silang bading,,,,, mga iba pang maria clara ng abs… eric santos,, jed madela,, bugoy….. 3 maria’s ng 2..toink…. enchong the next piolo pascual ng abs….. toink,,,,c sam milby lang ang straight,, walang bading na mahilig sa motor cross… cige mga ineng tingin nyo may bading na sasakay sa motor na circus circus sa ere..wala … titili ang bading kpg nagcircus sa ere ang motor nila..ok,,,

  3. Enchong Dee sure na!!!! kaya nga palagay sa mga kissing scene sina Kim, Erich,at Empress kong c Enchong kasi sis lang nila eto…dalawang beses ndulas c melissa ricks twag nya ky Enchong ay Enche…haha

  4. Bagets 1: Ogie Diaz Bagets 2: Tita Swarding?
    Kaw naman kasi Ogie – wag mo naman ibully si tita swarding… ipakain mo agad sa crocodile…wahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.