Bading, Binigti sa Loob ng Motel

PATAY NA NANG makita ang hindi pa nakikilalang bading na binigti ng hindi pa nakikilalang suspek sa banyo ng kuwarto ng motel kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Inilarawan lamang ang biktima na may edad na 45 hanggang 50, 5’4” ang taas.

Nabatid na kamakalawa ng gabi ay nag-check-in ang biktima na may kasamang hindi pa nakikilalang lalaki sa room EV3 ng King’s Lodge Hotel sa Del Mundo St., ng lungsod.

Alas-6:30 ng umaga, sobra na sa oras ang biktima at kasama na naging dahilan upang katukin ng room boy na si Michael Platino subalit walang sumasagot.

Kinuha ng room boy ang master key at nang buksan ay nakitang patay na ang biktima na may nakapulupot na belt sa leeg habang nakahandusay sa lapag ng banyo na walang saplot sa katawan.

Wala na rin ang lalaking kasama ng biktima na naging dahilan upang ipagbigay alam sa mga pulis.

Nabatid na madalas na pumapasok sa nasabing motel ang biktima na may kasamang iba’t ibang lalaki.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente, kung saan walang nakuhang ID ang mga pulis dahil walang pitaka ang biktima na hinahinalang tinangay ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.