Bading at Kelot, Naaktuhang Nagse-Sex sa Bus Terminal

SHOOT SA kulungan ang isang bading matapos hubo’t hubad na nahuling nakikipagtalik sa kanyang loverboy sa loob ng terminal ng bus kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ang suspek ay nakilalang si Raymund Tamayo, 32, mangingisda, ng Piscador St., Brgy. Bangkulasi, Navotas habang nakatakas naman ang lover boy nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Centenial Bus Terminal sa Bagumbayan, NorthBay Boulevard, Navotas City.

Nabatid, nagroronda ang pulisya nang mamataan sina Tamayo, dahilan upang lapitan ang mga ito kung saan hubo’t hubad pang naabutan ng pulisya ang huli na kung saan mabilis naman nakatakas ang ka-partner nito.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Tamayo na wala silang pang motel kung kaya’t sa bus ng terminal na nila ginawa ang kanilang pagnanasa.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.