‘Bad News’ Aasahan pa Rin sa Peace Talks

AMINADO ANG Palasyo na bagama’t nangalahati na ang peace process sa Moro Islamic Liberation Front, hindi pa ring maiiwasan ang mga pagsubok sa darating na buwan.

Matapos mapirmahan ang wealth-sharing annex, sunod na tatapusin ang usapin ng power-sharing at normalization annexes na nasimulan na ring talakayin ng magkabilang panig.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Teresita “Ging” Deles, aasahan pa rin ang mga hindi kagandahang balita at haharaping suliranin o balakid sa hinaharap.

Sinabi ni Deles na nananatiling committed sa peace process ang magkabilang panig at hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi nakakamit ang hinahangad na kapayapaan.

Una sinabi ng gobyerno na posibleng matatapos ang natitirang annexes at malagdaan ang final peace agreement bago matapos ang taon.

Inaasahan na babalik sa negotiating table ang magkabilang panel ng pamahalaan at MILF sa Agosto, pagkatapos ng Ramadan.

“Meaning, it’s your guess. It’s anybody’s guess when it will actually happen. But the point is we both know that we have to finish this as soon as possible, so that we can get to the brass tacks of implementation as soon as possible, and able to reach our goal within the framework of this administration—within the timeframe of this administration,” ani government chief negotiator Miriam Ferrer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.