Bad karma kay Chin ang pagkaka-disband ng MYMP! – Cristy Fermin

NAGKANI-KANIYANG LANDAS NA sina Chin Alcantara at Juris Fernandez ng MYMP. Ilang taon din silang nagsama bilang duet, sinuwerte naman silang makilala. Pero kung kailan naman tumunog ang kanilang pangalan ay saka sila naghiwalay.

Kay Chin ang pangalang dinadala nila, ang ibig sabihin ng MYMP ay Make Your Mama Proud. Pero mukhang hindi magiging proud ang mama nila dahil sa nangyari.

Sa mga kuwentong kumakalat ngayon, si Chin ang negatibo. Hindi kagandahan ang mga istoryang naglalabasan tungkol sa tsinitong miyembro ng MYMP. Hindi na raw kinaya ng powers ni Juris na tiisin ang kaartehan ng kanyang gitarista.

Kasama sa Sessionistas ng ASAP ‘09 ang MYMP. Kahit du’n ay hindi rin maganda sa pandinig ang mga kuwento tungkol kay Chin. Masyado raw “feeling” ang lalaking ito na hindi naman kagalingan at kaguwapuhan.

“Mapag-pressure si Chin, feeling-sikat, akala mo kung sino na siya. Marami siyang kaartehan, meron pa siyang mga requirements para sa kanila, kaya madalas siyang kainisan ng staff,” pahimakas ng isang source na nakausap namin.

Mas naging negatibo pa ang dating nitong si Chin Alcantara nu’ng minsang patagilid niyang bastusin ang isang grupo ng mga entertainment writers na kumakain sa isang kilalang restaurant sa 9501 sa ABS-CBN.

Walang pakialam siyang naghubad ng sapatos. Ipinatong pa niya ‘yun sa isang upuan na “smelling distance” lang ang layo sa mga manunulat. Buwisit na buwisit sa kanya ang aming mga katrabaho.

Halatadong maraming inis sa gitaristang ito ng MYMP, dahil nu’ng minsang pitikin namin siya sa pahinang ito ay sangkatutak na text messages ang tinanggap namin. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil ipinaghiganti raw namin ang kanilang “kaapihan.”

Sabi pa ng isang tinanggap naming mensahe, “Buti nga, nakatikim ang Chin na ‘yan, masyado kasi siyang feeling! Akala mo naman kung sino na siya, e, hanggang du’n lang naman ang kaya niyang gawin!”

NOON PA AY isinulat na namin, hanggang tatlong kanta lang ng MYMP ang kaya naming karirin para pakinggan. Minsan na namin silang napanood, pero inantok kami. Kaya sa ikatlong kanta nila ay sumimple na kami sa paglabas ng venue.

Totoong suwabe ang boses ni Juris, cool na cool ang dating, pero mas maganda silang pakinggan ilang minuto bago ka matulog.

Naging malaki rin siguro ang impluwensiya sa amin ng mga kuwento tungkol kay Chin. Aanhin mo ang kahit gaano kagandang musika, kung sa likod naman ng utak mo ay nandu’n ang pag-ayaw mo sa singer o sa miyembro ng grupong pinanonood mo?

Solo na ngayon si Juris, kailangan namang kumuha ng bagong bokalistang makakasama si Chin. Kanya raw ang pangalan ng kanilang duweto kaya siya ang may karapatang magpatuloy sa paggamit nu’n.

Sabi nga ng mga kaibigan ni Juris, “’Di kanyang-kanya na ‘yun! Isaksak pa niya sa baga niya, para mas maging masaya siya!”

Ganyan ang karaniwang nangyayari sa mga grupo. Nadi-disband sila dahil sa mga personal na hindi pagkakasundo. Hindi na nakapagtatakang maganap ang ganu’n sa mga banda dahil kung sina Chin at Juris nga na dadalawa na lang, nagkaganyan pa sila?

Sa nagaganap ngayon sa MYMP, parang nakikinita na namin ang lihim na pagngiti ng isang kilala naming tagapamahala ng live variety show sa isang higanteng network.

Pinakitaan din kasi ito ng pagka-feeling ni Chin Alcantara, pinagdabugan pa nga, kaya ‘yan ang napala niya.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

17 thoughts on “Bad karma kay Chin ang pagkaka-disband ng MYMP! – Cristy Fermin

  1. An Open Letter to Juris
    Can you trust this Carla(your manager)?Think about what this woman has been saying about you:
    1.She said, “Matapobre ang pamilya ni Juris,lalo na ang kanyang ina. Masama silang magtrato ng mga katulong at yaya kaya lagi silang nilalayasan.Maliit na nga magpasweldo pero sobrang dami ng ipinapagawa,ni hindi na makatulog ang mga katulong.At hindi pinapakain sa oras,to a point,na ako(this woman)ang palaging nagdadala ng pagkain para sa katulong. Kaya ayan, wala na naman silang katulong.”
    2.She said, “Ang baboy nung mag-inang Juris at doktora Fernandez.” This woman claimed that she has always been your roommate sa mga out-of-town shows. Naranasan daw niya kung paano hindi nagfa-flush ng anidoro ang mag-inang Fernandez after mag-uu sila.She added, “Napakaburara ng mag-ina sa mga gamit at palaging magulo ang kwarto.Ako lang palagi ang nagliligpit ng mga kalat.”
    3.This woman claimed that kailangan pa niyang regaluhan palagi ikaw ng bagong panties dahil “bacon” na ang mga panties mo at hindi ka nagdadala ng extra panty pag may out-of-town shows.You are either nanghihiram sa kanya,o bibili ka na lang ng disposable panty,o lalabhan mo na lang daw ang kaisa-isang suot mo.
    4.Bwisit na bwisit na raw siya sa kadadala ng damit at accessories para sa iyo dahil paulit-ulit na lang daw ang isinisuot mo.suyang-suya na raw siya sa kare-remind sa iyo na mag-ayos at mag-makeup ka lalo na kung maglalakad in public places.
    5. She said,“Sobrang kuripot ng boyfriend niya.Hindi na nga inaasikasong mabuti si Juris, si Juris pa ang kadalasang nagbabayad ng gastos sa mga dates nila.” She added that,“Bihirang-bihira na nga ihatid at sunduin si Juris ng lalaking iyan,si Juris pa minsan ang patagong nagbigay ng perang pambayad sa restaurant nuong kasama nila ang parents ni Juris,para daw palabasin na ang boyfriend mo ang nag blow-out. ”
    6.This is more foul.She said that,“Madalas sabihin ni Juris na as a Born-Again hindi raw sila nagse-sex ng current boyfriend niya,pero kilig naman siya pagnagkukwento tungkol sa pagse-sex nila ng dati niyang boyfriend na may asawa, noong college senior siya sa Miriam. Blow-by-blow pa ang kwento.”
    8.Inamin naman ng babaing ito(na nagkukuwento tungkol sa iyo)na galit siya sa current boyfriend mo dahil umabot daw sa kaalaman niya ang comment ng boyfriend mo laban sa kanya,“Iyang babaing kaibigan mo, kung magpalit ng boyfriend ay para lamang nagpapalit ng t-shirt.”
    This woman does not limit her story-telling to close friends.And, her ability to spread scandalous stories are not only about you and your family.Listen to these:
    10.She said,“Nakita kong sinampal ni Sharon Cuneta si Hayden Kho,doon sa ABS-CBN, dahil sa sex video nila ni KC Concepcion.”
    11.She tells everybody she knows,“Matapobre at plastic si Kris Aquino dahil grabe mangkilatis.Titingnan ka mula ulo hanggang paa.”
    12.This woman,gleefully,tells that noong karelasyon pa daw niya si direk GB San Pedro ay ikinuwento sa kanya ng director na nag-sex sila ni Rachelle Ann Go during the shooting ng album nung singer maski na “on” pa sila ni Christian Bautista.
    13.Duktong ng babaeng ito na,“Ikinwento sa akin ni direk GB San Pedro (dating boyfriend ko)na nasaksihan niyang nakipag-sex si Rachelle Ann Go kay Mark Bautista noong may show sila sa Boracay.”
    Talaga nga naman. You have good sense to know, who this woman is. Can you afford to have a person like her around you? She keeps telling people about your past. Why wouldn’t she tell other things about you in the future? There’s a good possibility that this woman will retaliate and retract/invent stories now. One thing is certainly clear, she is not good for your personal and public image. Ipapahamak ka lang niya!
    Sincerely Yours,
    Someone who cares about you and hates to reveal these things to you, but you really need to know.

  2. NAKUHA KO LANG SA IBANG BLOG.. i do not own this!

    Comments in the Internet of Barbara Barbaro of PUP, Manila. Reprinted by a friend.
    1)Walang kamoti-motibo si Chin para mag threaten kay Juris o kay Carla Lozada man. Si Chin pa nga ang nag-encourage kay Juris na mag-record ng isang solo album, for the sake of variety, because Chin believed in Juris more than Juris believed in herself. Alam ng mga close friends nila yan. Chin is the producer of Juris’ soon-to-be released solo album.
    B)Kilala sa band circle ang pagkabatikan ni Chin sa pag self-evolve ng mga bandang pinamunuan niya, from rock band, to show band, to acoustic band, and back to full band. Kasama na dito ang subok na kakayahan niyang mag-arrange ng love songs, soul music, RnB, jazz, at light rock.
    C)Hindi maikakaila ang “craftiness” ni Chin sa pagsanay at pagpapatingkad ng talento ng sinumang mapili niyang bokalista, babae man o lalaki. Iyan ay hindi nagawa ng mga dating nakabanda ni Juris.
    Kaya mahirap paniwalaan ang naturang bintang. Ang alam ko ay madaling natanggap ni Chin ang eventual departure of, but not the deplorable and high-handed treatment he received from, Carla and Juris. He has bigger and novel ideas to pursue as founder and leader of MYMP.
    2)Ngayong malapit ng i-release ang solo album ni Juris, huwag namang gumamit ng threat-gimmick promotion ang mga handlers ni Juris at Chin’s expense.
    3)Itong si manager Carla Lozada ay talagang natuto nang mag-dirty tricks buhat ng magka-boyfriend, na anak ng isang ABS-CBN bigwig, na inagaw niya kahit malapit na sanang ikasal yung lalaki.
    4)Below the belt yang threat-gimmick promotion na iyan. Minahal din ni Chin si Carla. They lived-in for more than 4 years. During those years ay kinupkop si Carla ng pamilya ni Chin at itinuring na higit pa sa isang miyembro ng pamilya, hanggang sa lumaki ang kita niya upang makaupa na ng apartment. Kahit bukod na sila ng bahay ay may ilang taon pa rin silang on. Chin moved on after their breakup. He is moving on now, after professionally breaking up with Juris, and will continue to evolve like many times before when he parted with Nina, Brix Ferraris,Jimmy Bondoc, Fritz Ednacot, etc. Said partings happened without the pompous maneuverings (pagmamarangya) ng mga handlers ni Juris.
    5)Wala namang ganyanan. Kaya tinanggal si Chin ay dahil hindi na niya masikmura silently ang pandidikta sa kanya ng mga planong patungo na sa kabakyaan na naayon sa manipulation ni Carla at ng kanyang mga co-conspirators. Sanay na sanay na nga si Chin sa pag-o-organize at pagre-reorganize ng mga banda. Ang ginagawa ng mga handlers ni Juris ay nilalagyan ng media spin ang sulsol nilang mag-solo na agad si Juris, at si Chin ang fantasy villain sa media spin. We don’t want that to happen, do we?
    6)Sinong may matinong pag-iisip ang maniniwalang coincidence lamang ang nalalapit na launching ng solo album ni Juris sa paglabas ng mahalay na threat-gimmick promotion na iyan?
    7)Bakit pa magde-demanda si Chin? Eh, di lalong magkaka-media mileage yang threat-gimmick promotion nila, at sa mas murang halaga pa. At isa pa, madaling palusutin ng corporate lawyer ng mga bumu-bully kay Chin na wala daw malice ang PR writer, diyaryo, at source (sic). Even the lawyers of Chin say, “We will be playing into their hands kapag nagdemanda tayo. Who wouldn’t see through their gimmick, anyway?”
    8)Alam ng mga fans na naging very protective, like an elder brother, si Chin kay Juris sa mga madilim na panahon noong sinalbahe si Juris ng nakarelasyon niyang kabanda na two-timer; noong may boyfriend siyang may asawa na, during her senior year in college; at, noon din may karelasyon siyang Cebu DJ na may girlfriend na noon.
    9)Chin believes that his and Juris’ talents are enough to make the solo album project (not this messy start of her solo career) a success. Kaya tigilan na iyang counter-productive na threat-gimmick promotion na iyan. Siguradong magba-backfire lang yan.
    10)Remember what Chin said just recently to his sympathizers, “All good things come to an end. Every ending is a beginning…I’ve forgiven them.”

  3. Hoy Cristy Fermin! mukha kang troll!! manahimik ka na nga lang! anong cristy per minute???? eh laos na laos na yon ah! buti pa sa mga tabloid ka na lang magsulat at wala kang class!

  4. tama ka madami akong nabasang malaswa at negatibong mga articles tungkol sa Juris na yan. nakakagulat talaga. Di ko inaakalang ganyan siyang klaseng babae. Lumabas ito sa mga articles nang “MYMP Breaks Up”. Madaming naglabas nang baho tungkol sa babaeng ito. Ang pagiging mayabang o feeling nung chin alcantara ay natural sa karamihan nang mga kalalakihan. Pero ang mga naglabasan tungkol dun kay Juris ay hindi normal sa mga kababaihan.

  5. sa pagkakaalam ko si juris ang mahilig maghubad nang sapatos at magpatong nang paa dahil ilang beses ko na itong nakita. Baka napagpapalit niyo lang sila dahil yung iba ang akala yung babae ang chin at yung lalaki ang juris.

  6. First of all, the mix up of this article is so obvious. Bakit kailangan pang ungkatin ang mga dating issues? Wala ka na ba talagang masulat Cristy Fermin? I’m not surprised na natanggal ka sa The Buzz because you’re not a good writer. If you are then write about recent issues about MYMP. Good writers should know how to research. Yes may mga negative na lumalabas about Chin Alcantara. Pero mas grabe ang mga negatibong balita tungkol kay Juris Fernandez. I suggest you look it up and write about it because nobody is picking up these negative stories on Chin.

  7. BINIBISITA NAMIN ANG MGA GANITONG SITES NA LIKHA NG MGA SINUNGALING NA TAO, ESTE NA ANIMAL KATULAD NI CRISTY FERMIN PARA SUPALPALIN LANG… YOU KNOW TRIP LANG NAMIN SIYANG SUPALPALIN. HAHAHAHAHAH

  8. HAAHHAHAHAH! PUTA KA TALAGA CRISTY.
    BAT HINDI KA PA MAMAMATAY.
    BALUKTOT ANG UTAK MO.
    SANA KUNIN KNA NI SATANAS.
    GOOD LUCK SA BUHAY MO.
    EEEEWWWWW!!!!

  9. Anette, why are you reading her article if nobody believes in her, kunyari ka pa, lagi mo namang hintay at interesting sa iyo mga article CF. Baka ikaw makarma.

  10. Cristenella Fermin bayaran, i-feature mo naman si Gretchen Baretto na poksi bakit di ka nagsusulat tungkol sa kanya siguro napasakan ka na ng pera para manahimik. Buti nga sayo at hindi ka na nakabalik sa The Buzz at DZMM, KARMA mo yan. Nobody believes in you. Mukha kang pera.

  11. madam cristy kailangan mo yata pumunta sa mga presscon para may maibalita ka luma na yan chismak n ito naibalita muna yan in past issue … nawala na yata ang magic mo sa pag susulat ng mga blind item at mga contoversial na news… daig ka pa ni baklang joebert at miss o marami chika mapa dyaryo o radio…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.