Back Channeling Talks sa Taiwan Problem, Iginiit

HINIKAYAT NG ilang senador ng Administrasyong Aquino na gumamit ng back channeling talks upang maresolba ang sigalot sa Taiwan na nilikha ng pagkakabaril ng Philippine Coast Guard sa isang 65-taong gulang na mangingisdang Taiwanese.

Sinabi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan mas makakabuting gumamit ng back channe¬ling talks upang mabawasan ang tensiyon.

Maari rin aniyang magsagawa ng bilateral talks ang pamahalaan sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO). “Face to face talks should proceed immediately,” anang senador.

Ayon kay Taiwa¬nese President Ma Ying-jeou noong Sabado, ikinokonsidera ng Taiwan ang sanctions laban sa bansa sa gitna ng malawakang ‘public outrage’ sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman.

Isa sa mga pinag-iisapan umanong sanction na puwedeng ipataw ng Taiwan sa pamahalaan ng Pilipinas ay ang pagtigil sa pagkuha ng mga manggagawang Pinoy.

Samantala, sinabi naman ni Senator Gregorio Honasan II na bukod sa opisyal na public apology na ipinalabas ng pamahalaan, maaari ring panatilihin ng gobyerno ang foreign at economic policies nito upang hindi na maulit ang naturang insidente sa hinaharap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.