Bacalzo at Bartolome, walang magawa sa iligal sa Malabon

MINALIIT UMANO NG mga residente, samahang sibiko, religious organization, at non-government organizations (NGO’s) ang kakahayan nina PNP Director Gen. Chief Supt. Raul Bacalzo at ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director General Chief Supt. Nicanor Bartolome hinggil sa pagkabigo ng mga ito na masugpo ang Jueteng at iba pang uri ng sugalan sa Malabon City.

Kaugnay nito, sinisisi ng kanyang mga kalugar si “Len” na tinaguriang “Tripple One” sa pagiging kunsintidor umano nito para maging sugapa sa sugal ang mga residente ng Malabon City.

Puro press releases lang daw ang kayang gawin ng dalawang heneral na nagsasabing may ‘one stand’ sila sa ikasusugpo ng Jueteng at mga kauring sugal.

“Puro salita lang sina Bacalzo at Bartolome at walang aksiyon,” wika pa ng mga nabanggit.

Ayon sa mga residente, halos 90 porsiyento ng mga mamamayan sa kanilang lungsod ay mga sugapa na sugal.

Karamihan daw sa mga barangay sa Malabon ay talamak ang iba’t ibang uri ng sugal gaya ng Lotteng, Ending at EZ-2 na minamantine ni Boy Edmond.

Wika pa ng mga residente, parang kabuteng nagkalat ang mga video karera machine ni Boboy Go, isang miyembro ng Manila’s Police Finest na nag-o-operate sa lahat halos ng barangay sa Malabon.

“Kaya naghihirap ang aming buhay ay dahil sa pesteng mga sugalan na hayagang kinukunsinti ni ‘Triple One’,” sabi ni Mang Ambo na residente ng Barangay Dampalit.

“Kakanin na lamang namin ay pinagbabaka-sakali pa na itaya sa sugal ng aming asawa,” wika ng mga residente.

Hindi naman lubos na pinupukol ng sisi ng mga residente si P/Sr. Supt. Cornelio Barios, Malabon City Police hinggil sa hindi masugpu-sugpong sugalan. Kasi raw, “bahag ang buntot nito kay Triple One,” dagdag pa ng source.

“Ang alam lang ni Barios ay magpalaki ng kanyang tiyan sa kanyang malamig na tanggapan at maghihintay na lamang umano ng kanyang parating mula sa mga operator o financier ng sugal,” sabi pa ng source.      (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.