Baby nina Paolo at Lian, sa mga ex ipapangalan!– Gorgy’s Park

HINDI NA BAGO ang pagmamatigas ni Jennylyn Mercado na hindi nito ipakikilala ang kanyang anak na si Alex Jazz kay Patrick Garcia.

Pero ang isang matinding pahayag niya nang nakapanayam ito ng Startalk sa autograph-signing ng FHM, talagang binura na raw niya si Patrick sa buhay ng anak niya.

Kung sakaling mag-asawa raw siya, ipapangalan daw niya si AJ sa lalaking mapapangasawa niya.

Kapag naintindihan na raw ng anak niya ang lahat, ipagtatapat naman daw niya ang buong katotohanan pero wala raw siyang balak na ipakilala ito.

[ad#post-ad-box]

Ipapa-adopt daw niya sa lalaking mapapangasawa niya ang kanyang anak para ‘yun ang pangalang dala nito.

Nakarating kay Patrick ang huling sinabi ni Jennylyn at obvious na nasaktan ito nang kinunan ng reaksiyon ng Startalk.

Sey ni Jennylyn, “I’m sure darating din ‘yung time na maghahanap si AJ ng father figure, sasabihin ko ‘yung totoo, walang rason para magsinungaling.”

Sagot naman ni Patrick, “Kung ‘yun ang gusto niyang mangyari, bahala siya, basta sana naman she won’t be that mean na hindi ipakilala si AJ sa tunay niyang ama.

“I’m still optimistic na one day mari-realize niya na it’s not about both of us anymore. It’s about our son.

“I may have failed in many things in my life pero at least give me a chance to be a father,” madamdaming pahayag ng aktor.

Wala pa siyang hakbang ngayon na makausap si Jennylyn dahil sa tingin ni Patrick, mainit pa ang lahat at mahirap pang makausap ang GMA star.

Naghihintay lang daw siya ng tamang panahon na makausap si Jennylyn na silang dalawa lang at hindi na kailangang iparating pa sa telebisyon.

Very positive pa rin daw siyang makakausap niya ito, magkaayos sila at makikita nito ng personal ang kanyang anak na kamukhang-kamukha niya.

NGAYONG LINGGO, SUSUBUKAN nina Paolo Contis at Lian Paz na magpa-check-up para malaman kung baby boy o baby girl ang kanilang panganay.

Dapat ay nakita na raw nila sa huling check-up nila nu’ng nakaraang linggo ang gender ng baby pero kuwento ni Paolo, nagmaldita raw ang anak nito.

Nakatalikod daw ito nu’ng na-ultra-sound si Lian at nu’ng humarap naman ay naka-cross ang legs kaya hindi nila nakita kung ano ang kasarian.

Pero tingin ng kanilang doctor ay baby girl ito. Iyon din daw ang feeling ni Paolo kaya excited siya dahil tiyak ang pretty-pretty raw ng baby nila.

Naging biruan na nina Paolo at Lian na kung sakaling baby boy daw ang kanilang magiging anak, Mark daw ang ipapangalan nila hango sa ex-boyfriend ni Lian na si Mark Herras.

Kung sakaling baby girl naman, Isabel daw ang ipapangalan nila na obviously, kinuha nila kay Isabel Oli.

Pero sa totoo lang, nang tinanong si Mark kung type niyang maging ninong sa anak nina Paolo at Lian, gustung-gusto raw niya dahil close friends sila ni Paolo at okay naman daw sila bilang friends ni Lian. Ewan ko lang kay Isabel dahil hindi maganda ang break-up nito kay Paolo.

By Gorgy’s Park

loading...

11 thoughts on “Baby nina Paolo at Lian, sa mga ex ipapangalan!– Gorgy’s Park

  1. hay nku ang arte arte mo jen gus2 mo lng cguro pkasalan ka ni patrick bgo mo ipakila2 sknya ung anak nya ,,,,,,helloooooo gumicing ka nga arte mo tlga

  2. jen wag mo ng ipakita ang anak mo,sa mga hnd makaintindi sa pinagdaanan ni jen,sana mabuntisan kyo tapos iwanan kyo ng nkabuntis sa inyo,then after that dadating lng xa kpg nailuwal n nyo na ang bata.my question is? how do you feel….idiot

  3. ang tagal mo nang naghihintay na lumamig ang sitwasyon ha Patrick? di mo na napapansin na the more na pinatatagal mo ay lalong lumalaki ang gap nyo? ang laki nga siguro nang kasalanan mo kaya wala kang mukhang maihaharap kay Jennylyn at sa anak nyo kasi kapag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan. why not try stop talking and do something for a change. puro daldal at press release ka lang kasi pero kulang na kulang naman sa effort.

  4. it’s all gimmik and publicity for both side,ntama si bangenge wala naman kasing talent tignan nyo sa ikaw sana parang mga tuod umarte. but on the lighter side tama rin na wag nang ipakilala kay patrick kasi if he is willing at may backbone ang pa cute na eto come hell or whatever kung talagang interesado sya puntahan nya at magpakalalaki sya.

    ano yung kailangang lumamig ang sitwasyon haler yung katawan mo ang lalamig patrick. siguro nga napakalaki ng kasalanan mo na pati anak ay ituturo ni jen na kamuhian ka.

    sabi nga ni mr. frank. GET LOST mabuti nga hindi yung TADYAKAN MO JEN.

  5. MAKAKARMA RIN YANG SI JENNYLYN MERCADO AT AKALA MO KUNG SINONG BIG TIME STAR KUNG UMASTA EH MUKHA NAMAN BAYARAN MO LANG YAN HUHUBAD NA!WHAT EVER HAPPEN SI PATRICK PA RIN ANG BIOLOGICAL FATHER.

  6. oh c’mon patrick! what do you expect?
    sayo na rin mismo nanggaling na hinihintay mo pa rin na lumamig ang sitwasyon between you and jennylyn!

    so ang ibig sabihin non .. hanggang ngaun wala ka pa rin ginagawa! tama!?
    no effort ka pa rin! so why the hell do you expect anything from her, when you yourself have nothing to give or to offer to her or your child?

    ndi mo pa kasi aminin na wala ka namang interest talaga sa kanila, kaya mo lang ginagawa yan para ndi ka magmukhang inutil at dahil na kunsensya ka dahil nakita mong kamukha mo nga si AJ!

    Get lost Patrick!

  7. tama lang ginawa mo jen. diba hindi siya sure sya ang ama? di huwag ipakita. masakit yata yong may duda siya. kahit ako nasa place mo jen, yun din gagawin ko. hindi man lang yata nag reach out sa ‘yo yung family niya.

  8. it’s all publicity gimmick aim to keep jen in the limelights, come to think of it, IF she finally allow Patrick to see the kid, that would be the end of the story, no more clamor and publicity for her, and everybody knows how she needed it badly, especially for people like her without the charm and talent to be a “STAR”, besides, her attitude is sooooo annoying, really an ID of a poor-educated person.

  9. IMMATURE at close-minded kasi si Jennylyn kaya wala ka nang magagawa sa point na yon, Patrick. iba pa rin kasi ang may pinag-aralan, di ba Patrick? saan mo naman kasi nakuha yang babaeng yan… FREAK!

  10. why all of sudden patrick was interested with alex jazz? is it because he realized now that the said boy was look like him? patrick, its too late already.. you have a lot of chances to be with your child in the past but you just ignore it..
    you cannot blame if jen was insensitive to you, the blunder is all yours…

Leave a Reply

Your email address will not be published.