Baby nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, made in Singapore!

SINUSULAT ITO’Y wala pang direktang pag-amin mula kina Melai Cantiveros at Jason sa isyung buntis na ang komedyana. Hinihintay pa rin kung ano ang magiging statement ng handler ni Melai, ang Star Magic. Nauna na naming na-scoop ito sa www.ogiediaz.net nu’ng Sept. 1.

Pero honestly, kami’y tuwang-tuwa for Melai, dahil lagi nga naming sinasabi na, “A baby is always a blessing!” Beinte singko na rin naman si Melai. Maganda din ‘yung hindi masyadong malayo ang edad nila ng kanilang anak ni Jason.

Made in Singapore daw ang baby kung saan nag-taping that time ang dalawa kasama si Kris Aquino sa KrisTV. At nu’ng nasa loob pala sila ng bahay ni Kuya ay meron silang dummy baby na ang tawag nila’y “Dengue”.

At ngayon, live na live na nilang aabangan ang baby na ‘yon.

Ilang taping na rin ng Banana Nite absent si Melai. Siguro nga, medyo nagpapahinga ito sa kalagayan niya ngayon. Kaso nga, nalulungkot ang ibang friends ni Melai, dahil ito rin ang breadwinner ng pamilyang naiwan sa GenSan.

Wala rin namang work si Jason at ang huling balita namin ay baka mag-apply itong seaman para makatulong kay Melai.

Congrats again, Melai! At sana, ninong ako niyan, ha? Alam na.

 

Sa kumakalat na sex video scandal nila ni EB Babe Yosh

Wally Bayola, ayaw harapin ang isyu! 

 

TINUTUKAN NAMIN ang Eat Bulaga, pero wala, hindi namin napanood si Wally Bayola sa “Juan For All, All For Juan” segment nila nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Akala kasi namin, kukunin na niya ang pagkakataong ‘yon para linawin o mag-apologize sa lumabas na video scandal nila ng EB Babe na si Yosh.

Hindi na kami magiging graphic pa, pero aware ang dalawa na may kamerang nakatutok sa kanila. Kung paano itong kumalat, hindi namin alam.

Maaaring nasira ang video, ipinagawa sa repair shop, nu’ng mabuksan na, pupuwedeng kinopya ang naturang eksena at the rest is history.

Pupuwede rin namang gamitin ang rason noon ni Chito Miranda na nawala ang hard drive o me nagnakaw nito at hindi na nila na-control ang paglabas nito.

Anu’t anuman ang rason, ito’y kumalat na, napanood na ng marami  sa facebook. At nakalulungkot lang na pati ang ilang menor de edad na may FB ay nakapanood din nito.

Kaya nga sa news feed namin sa aming FB account,  kami na mismo ang nagde-delete ng post na ito bilang tulong na rin namin at pakikisimpatiya kina Wally at Yosh.

Maaari naming sabihing ‘wag na kasing kunan next time, pero talagang hindi maiiwasang magkaroon ng ganitong isyu na sana, ang mga tao ay ‘wag na lang din itong ikalat o i-share sa mga kaibigan nila.

Please lang.

 

Movie nina Piolo at Gerald, ‘di patok sa takilya

 

NAKALULUNGKOT NA ang isang napakagandang pelikula ay hindi pumalo nang bongga sa takilya. Ito ‘yung OTJ na isang action movie na kinilala sa ibang bansa, pero dito sa sariling bayan ay ilan lang ang nakapanood.

Sa pag-aanalisa nga ng isang nakausap namin, feel-good movie daw ang dapat ang i-produce ngayon, dahil kagagaling lang sa kalamidad ang mga kababayan natin dulot ng bagyong Maring at ‘eto pang Napoles issue na tinututukan ng bayan.

Sa mga hindi pa nakapanood, sana’y bigyan n’yo ng time ang On The Job nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joel Torre, Joey Marquez, and others at kayo na ang humusga kung me karapatan ang pelikulang itong ihilera sa mga Hollywood films.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

24 thoughts on “Baby nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, made in Singapore!

  1. gagang melay! palaos na si jason kaya binuntis na siya… para makaahon ulit!
    hiwalay agad yan 2 na yan after a month or two!

  2. Hndi nmn sya FLOP! Hndi lng super lakas pero marami nmng nanonood. Ang FLOP ung katulad ng My Lady Boss na first friday pa lang e BINAWASAN na agad ang number of theaters! E etong OTJ ayan at nasa 80 theaters pa on its second week. Tapos gagastos pa ang SC para idistribute sa US. 

    • huwag na silang gumastos…malulugi lang sila…nyahahahha  huwag na nilang i distribute yan sa U.S.     pero kung handa silang …magpa lugi,,,,ok,,nyahahah….go…..

  3. Pumalpak ang unang BI ni Ogie. Sabi niya, initials ng buntis ay MR. Pinangalanan pa niya ang mga posibleng preggies. Marian Rivera, Mariel Rodriguez at Maricar Reyes. Ano ito, hula lang ? Ngayon na palpak pala ang balita niya, nakisawsaw kaagad agad sa balitang si Melai ay buntis. Ano ito, para hindi masabing nagkamali siya ? Initials ni Melai, MC. Ano ba Ogie. Do your research bago mo isulat. Ngayon naman, Ang bilis bilis mong ibalita na buntis si Melai. Wala ka talagang prinsipyo. Hindi mo muna hintayin na i-announce nila kung tutoo ito. Ogie, nuknukan ka ng katangahan.

  4. PALAGAY KO SI EB BABE YOSHI KADIRI AY DATING GRO KAYA WALANG MORALIDAD. KUNG MATINO KANG BABAE, PAG-IISIPAN MO NG MARAMING BESES KUNG KAILANGAN BA TALAGANG GAWIN YUN. WALA NAMAN DELIKADESA ITONG EB BABE NA ITO AT PINATULAN NYA ANG PANGET NA SI WALEY.

  5. Paano naman kikita yan OTJ action packed film tapos ang bida si piolita na alam ng buong tao sa Pilipinas na isang sirena……bakla! beki! badaf!

    • ano kaya  mag come-out na kaya siya!  baka bumango pa uli ang pangalan niya…..uso naman ngayon ang pag co come-out,,,,nyahahha

  6. BABOY din pla tong c kalbong waly nato…ang lakas ng loob mgvideo ng kalibugan nya…patawatawa padun sa video..dpat alisin o suspend yansa EB kc pinakita nyng diza tlaga wholesome at ang pinakapangit padun e pamilyado zang tao…kawawa mga anak nya launa ung isa my sakit padaw…pano pa papasok sa skul mga yan…anong mukha pa papakita nila sa ginawa ng tatay nilang kalbo…ito nmang c jason matibay din ang sikmura ano at binuntis pa tlaga tong c melai na mukhang ewan!!! kung kelan wala pa nman clang parehong work ngaun. tsaka pa ngbuntis…

  7. AY AYAN NA, SI OGIE NA ANG NAGSABI NA FLOPCHINA NGA ANG “OTJ.” WELL, GANYAN NAMAN DITO SA PINAS. YUNG MGA MAGAGANDANG MOVIES, NANGINGITLOG SA TAKILYA. YUNG MGA BASURA, PINIPILAHAN. SUS GINUU!

    • kawawa naman kung FLOP odi kumita kc sbi ngmga nakapanood e maganda nman daw tlaga…sayang pinuri at pinalakpakan pa nman ito ng husto sa ibang bansa…o bka dilang talaga png masa ung muvie…or bka dhil ktatapos lng ng kalamidad at dipa nkakarecover iba nting kbabayan at walang perang pampanood…anyway edi dirin pla nkatulong na png come on ung grabeng lovescene dawni papa p. at shaina…at gerald at ung girl..

      • Basura naman yung My Lady Boss pero flop din. Yun wala pang magkasunod na habagat at bagyo nung mag-showing di gaya nitong OTJ. Sana pumick-up na sa box office ngayong gumanda na panahon.

    • In fairness, kahit di masyadong kumikita movies ni Piolo at so-so ang ratings pag may teleserye, tuloy ang dagsa ng endorsements sa kanya, di gaya ni Marian Rivera.

      • nyahahahha may endorsment pa ba si Papa P….ang alam ko si Marian. marami.non-tyc nga lang…nyahahahha

    • omg…ang anak ni Melai,,,,,papano kaya yan,,,,ang career nila..pareho naman silang….pinaka mababang starlet sa katol Network,,,nyahahahha…maging Muchacha na lang kaya ni Kris yang si Melai…tutal bundot ng bundot siyal palagi kay Kris,,,nyahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.