Baby Nathaniel, maagang Pamasko kina Regine Velasquez at Ogie Alcasid

ASIA’S SONGBIRD REGINE Velasquez and Ogie Alcasid are now the proud parents of Baby Nathaniel James who weighs 4.4 lbs when he was born last November 8. Isinilang ang baby through caesarean procedure.

Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng isang munting anghel sa kanilang buhay. This is an early Christmas gift for the couple. Regine gladly welcomes motherhood as another exciting chapter in her life.

Bilang isang kaibigan ay natutuwa ako for Regine dahil nanay na siya. She has a loving husband, a supportive family, and a successful career.

After the couple confirmed that Regine was pregnant, kasabay na ng mag-asawa sa paghihintay ang buong sambayanan simula sa kanyang pagdadalantao hanggang sa kanyang panganganak.

Patuloy pa ring nagpapagaling ngayon si Regine mula sa kanyang operasyon pero nakakalakad na raw ito.

Siyempre pa alagang-alaga si Regine ng kanyang pamilya lalung-lalo na nina Daddy Gerry at Mommy Teresita. Binibigyan din siya ng kanyang mga kapatid at kaibigan ng mga tips kung paano alagaan ang kanyang baby.

Mukhang namana raw ni Baby Nate sa Velasquez side ang pagiging sobrang maputi nito. Malakas din ang boses niya na malamang namana nito sa kanyang mga magulang who are both famous and talented singers. Sumunod din kaya si Baby Nate sa yapak ng kanyang mga magulang pagdating ng araw?

Ogie tweeted that his song, Ang Aking Anak, is dedicated not only to Baby Nate but also to his daughters Leila and Sarah na mga anak niya kay Michelle Van Eimeren.

Gaya ng madalas kong sinasabi, babies are always lucky. Sana ay mas lalo pang tumibay ang kanilang pagmamahalan at pagsasama sa pagdating ng kanilang baby. Congrats, Ogie and Regine!

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Baby Nathaniel, maagang Pamasko kina Regine Velasquez at Ogie Alcasid

  1. As days go by, it appears that Mr Boy Abunda’s written articles are now ALL based on HEARSAYS and no direct communication or interview with the subject. How pathetic. Huwag ‘di may maisulat lang, kahit baseless at walang research and no factual basis! sa laki ng sinusuweldo ni Mr Abunda, kaya na niyang mag hire ng mga assistants at researcher to gather facts kung HINDI niya kaya mismong magsulat ng may pinagbabasihang supporting evidences.

Leave a Reply

Your email address will not be published.