Baby James, ‘sees’ grandma Cory Aquino!

MASAYANG-MASAYA SI KRIS Aquino nung Linggo dahil nagtapos na nang elementarya ang kanyang panganay na si Joshua na 16 years old na ngayon sa Multiple Intelligence International School sa UP Film Institute.

Kasama rin nina Kris at bunsong anak na si Bimby sa graduation ni Joshua ang mga ate ng TV host-actress at ku-yang si Pangulong Noynoy Aquino. Na-frontpage pa sa Philippine Star nu’ng Lunes ang kanilang litrato, kaya naman lalong gumanda ang umagang ‘yon ni Kris na mababasa sa kanyang twitter account. “Na happy ako this morning to see Josh w/ tito Noy on the front page of Star. He really felt so important & loved yesterday! It takes a village to raise a child is the MI proverb, it takes a FAMILY’s LOVE!”

Nung oras ng graduation ni Joshua, naikuwento raw ni Bimby kay Kris at sa mga ate niya na nakikita ng bunso ang kanilang namayapa at mahal na ina na si former president Cory Aquino sa entablado at may ipinahiwatig pa raw ito sa kanila.

Heto ang ilan pa sa magagandang tweet ni Kris nung Lunes: “Good morning. Bimby during Josh’s graduation told me & my sisters that he could see his lola cory on stage. We asked what she was saying & he said for me & kuya to kiss her here, then he pointed at his cheek.

“My cousin had a dream of Mom just the other night saying that Josh was gonna have a party. Mom really kept praying & helping aid his development, so we know she must have felt so gratified to see Josh mo-ving on to his next level of learning.”

And I believe Bimby, na si Lola Cory ay nagparamdam nga because Josh has such a special place in her heart!

Samantala, ang ama ni Joshua na si Philip Salvador ang tanging wala sa graduation dahil hindi na raw inimbitahan pa ni Kris. Nagmeryenda lang ang mag-iina kasama ang lahat ng mga kapatid ni Kris at ilang mga kaibigan matapos ang graduation.

ITINAKBO PALA SA hospital last Monday ang dating sexy actress na si Juliana Palermo dahil sa contractions at labor, although early April pa siya nakatakdang manganak.

Excited na si July (palayaw ni Juliana) sa pagdating ng kanyang panganay na lalaki, kaya naman sobrang daming preparation ang ginagawa ng dating aktres. Kahit medyo napapagod na ito sa hirap sa paglalakad, dahil sa kanyang kalagayan.

Isang guwapong non-showbiz ang ama ng dinadala ni Juliana.

MUKHANG PAUWI NA galing ng kanyang opisina, pasado alas-siyete ng gabi nung Lunes, ang presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio nang makita namin itong pumasok sa exhibit hall sa compound ng Kapamilya Network kunsaan may ilang tiangge na nagbebenta ng mga books, magazines, damit, bags, at iba pa.

Unang beses daw dumalaw doon ni CSC (initials ng pangalan ni Ms. Charo at tawag sa kanya sa Dos bilang big boss at paggalang), sabi niya sa amin.

Bagama’t walang binili, nakakatuwa raw ang host ng Maalaala Mo Kaya, kuwento ng isa sa mga nagbebenta roon, dahil kinakamusta niya kung maganda ba ang benta nila.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

4 thoughts on “Baby James, ‘sees’ grandma Cory Aquino!

  1. basta kahit na anong neg. na balita kay teta gusto pa rin namin cya dahil totoong tao cya.ok lang na maging maarte dahil artista nga cya eh

  2. Iba talaga kapag si kris ang nasa balita everybody talks about it. unlike yung mga binabanggit na Shalani (starlet na hindi marunong mag host) the who ba yun.

  3. GINAGAMOT NA NAMAN NI KRIS ANG ANAK NIYANG SI BABY JAMES PARA MAPAG-USAPA N NA NAMAN HAKHAK KASI NAMAN NUMBER 2 LANG SIYA SA MOST INFLUETIAL WOMEN AT TINALO SIYA NI SHALANI SOLEDAD….KABOG SI TETAY

Leave a Reply

Your email address will not be published.