Baby at Yaya, Dinukot

DINUKOT ANG isang taong gulang lamang na Filipino-Canadian na sanggol kasama ang yaya nito ng hindi na-kilalang salarin bandang alas-9:00 ng umaga kahapon sa may Rosario Homes, Barangay Dao sa Pagadian City.

Kinilala ng pulisya ang dinukot na sanggol na si Timothy Sokolob, 1 year and 11 monts, habang ang yaya nito ay nakilalang si Caroline Remetre.

Ayon sa hepe ng Pagadian City police station na si P/Supt. Julius Munez, sinabi nito na nagpapatuloy ang ginagawa nilang operasyon para ma-rescue ang dalawang biktima at mahuli ang mga salarin.

Maliban dito, hindi na idinitalye pa ni Munez ang buong pangyari upang hindi madiskaril ang kanilang ginagawang operasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.