Babuyan ni Chairman, Inirereklamo ng mga Residente

MARIING KINOKONDENA ng mga residente, non-government organization (NGO’s) at mga samahang sibiko si Barangay Tugatog Chairman Sheridan Abad ng Malabon, dahil umano sa nakasusulasok na amoy ng kanyang babuyan.

Ayon sa mga kabarangay ni Abad, halos sa araw-araw ay nakalalanghap sila ng masamang hangin na nagmumula sa nasabing babuyan na pag-aari ng nasabing chairman.

Anila, matatagpuan daw ang babuyan ni Abad sa likod ng kanilang health center hindi kalayuan sa bahay ng nasabing chairman at sa kanilang barangay hall.

Halos hindi na umano makakain at nahihirapan pa sa paghinga ang mga residente kapag sumisingaw ang nakakasulasok at mabahong amoy na nagmumula sa nasabing babuyan.

Idinagdag pa ng mga kabarangay ni Abad, nagpapahayag na sila ng kanilang reklamo subalit nagtetengang-kawali lamang umano ang nabanggit na chairman.

Bukod dito ay mayroon pa umanong mga illegal na operasyon ng sugal ang kanilang chairman na lubhang nakaaapekto sa mga kabataang nagsisipag-aral, pahayag pa ng mga nabanggit.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.