BABE TIME DAHIL MAY TIME: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, sinusulit ang bakasyon

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

BUKOD sa pagsu-shooting ng pelikula niyang Miss Granny na halaw sa isang sikat na Korean movie ay binigyan nitong buwan ng July ang Pop Princess na si Sarah Geronimo ng bakasyon ni Boss Vic del Rosario.        

No shooting, no recording, no rehearsals for the month of July kahit malapit na ipalabas ang pelikula niya sa August 25.

Kaya nga sa mga social media account ng mga Popsters, sila mismo ang naga-update ng mga kaganapan ng idol nila. Sila ang nagse-share ng mga importanteng happenings sa buhay ng dalaga at ng boyfie niya na si si Matteo Guidicelli.

Sa recent local jeans launch ng boyfie kung saan nakipag-collaborate ito sa isang local designer ay present ang singer-actress na super enjoy sa maikling performance ng dyowa on stage sa naturang event.

Kaya now na naka-bakasyon ang dalaga, mayroon na silang “us time or our time” ni Matteo na maging ang panonood ng football practice ng younger brother ng actor ay present ang Pop Princess.

Getting personal na ang relasyon ni Sarah sa pamilya ng boyfie na recently ay nakasama nila sa isang lunch last week sa resto ng pamilya ng boyfriend sa may bandang Alabang.

Sa isang photo posting sa IG ng isang fan ng dalawa ay ka-join din ang dalaga sa  beterinaryo kung saan dinala nila ng boyfie si Ragu na aso ng actor.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “BABE TIME DAHIL MAY TIME: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, sinusulit ang bakasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.