Babala sa mga pasahero ng jeep

0907688xxxx – Sir, irereport ko lang po sa inyo ang modus ng mga mandurukot sa mga pasahero ng jeep para maging babala sana ito sa kanila upang sila ay makapag-ingat. Dalawang beses na po kasi akong nabiktima ng ganitong modus at noong isang gabi ay may nakita akong nabiktima na naman nila. Ganito po ang ginagawa nila sa kani-lang modus, dalawang katao po sila, iyong isa ay dinuduraan iyong kani-lang target na kunwari ay di sina-sadya, pagkatapos ay pupunasan niya ang damit o buhok ng target. Habang pinupunasan nung isa ay kumikilos naman iyong isang kasama niya para dukutan ang biktima.

0939632xxxx – Idol Raffy, irereklamo ko lang po iyong dalawang pulis na nakasakay sa mobile na may plakang SJD 352. Hinuli po nila ako pero wala silang mga paniket. Pinasunod lamang po nila ako sa presinto. Ano po ba ang dapat gawin? Maraming salamat.

• 0948394xxxx – Mr. Tulfo, gusto ko lang pong ireklamo iyong mga pulis Valenzuela, nangongotong sila lalo na sa gabi. Iyong mga motor na may sidecar ang target nila. Nakotongan nga po ako ng isang daan piso noong isang gabi.

0916659xxxx – Sir, ako po ay isang guro dito sa Zamboanga del Norte. Gusto ko lamang mabigyang pansin ang hindi pagkakatanggap ng mga multi-grade teachers ng hardship allowance. Nag-process kami ng mga requirements pero hindi isinumite ng aming supervisor sa division office. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

0922829xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen at nais ko lamang na isumbong ang hindi pagbibigay ng aksyon ng mga pulis Muntinlupa tungkol sa sabong tuwing Linggo dito sa aming lugar. Hindi po nila hinuhuli sa kadahilanang may nagbibigay ng lagay para sa kanila. Salamat po.

0917522xxxx – Gusto ko lamang pong isumbong sa inyo ang tungkol sa mga kahoy na araw-araw na hinahakot ng mga truck dito sa may Tayabas, Quezon. Ligal po ba ang ginagawa nilang pamumutol ng mga kahoy dito sa may Tayabas?

0912211xxxx – Sir Raffy, sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan dito sa Muntinlupa City. Dito po kasi sa amin sa bayan ay talamak ang mga batang sumisinghot ng rugby. Sana po ay maaksyunan ito ng mga kinauukulan para hindi na lalong dumami ang mga batang nalululong sa masamang bisyo. Maraming salamat po.

0948531xxxx – Idol, kami po ay mga security guards. Nais po naming humingi ng tulong sa inyo tungkol sa suweldo namin. Mahigit dalawang buwan na po kasi kaming hindi pinapasahod ng aming agency. Sana po ay matulu-ngan ninyo, Salamat po.

0938219xxxx – Sir Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa may Baclaran para maaksyunan nila ang mga kanal dito sa malapit sa simbahan. Bukod sa perhuwisyo na ay nakakaapekto pa po sa kalusugan ng mga tao. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat.

Ang WANTED SA RADYO ay napapakinggan sa 92.3 NewsFM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41. Channel 1 sa Cignal Cable at Channel 7 naman sa Destiny.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.