Babala ng CBCP: Magdamit Nang Maayos sa Simbang Gabi

NAGBABALA ANG Simbahang Katoliko sa publiko at sa mga dumadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi na maging disente at magsuot ng akma sa pagdalo sa misa.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, hindi tama ang pagsuot ng mga mapang-akit o agaw-atensiyong damit sa simbahan dahil ang mga taong nasa simbahan ay nananalangin at kinakausap ang Panginoon.

Ang Misa de Gallo ay pagsasakripisyo na gumising nang maaga at hindi para makipagkita sa kani-kanilang mga iniirog o textmate, ani nama ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Naniniwala si Baylon na marami sa mga kabataan ngayon ang nahihikayat lamang na mag-Simbang Gabi para makita o makahawak ng kamay ng kanilang minamahal.

Dapat malaman umano ng mga Katoliko na ang tunay na rason sa pagdiriwang ng Pasko ay ang pagsilang ni Hesukristo at hindi komersiyalismo, kung saan mas pinaglalaanan ng pansin ng iba ang pagsi-shopping, dagdag pa ni Baylon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.