Babaerong pulis, inireklamo ng misis na titser dahil sa pananakit

INIREKLAMO NG ISANG guro ang kanyang mister na miyembro ng Philippine National Police makaraang saktan siya nang kanya itong komprontahin sa ginagawang pambabae kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police ang biktimang si Beulah Recto, 30, public school teacher, ng # 23 Road GSIS Hills Village, Talipapa, Caloocan City, upang pormal na ireklamo ng pana-

nakit ng asawang si P02 Emilio Recto, 33, naka-assign sa PCP-2 Sub-Station 5, Caloocan Police.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Recto.

Ayon sa biktima, kinausap nito ang suspek hinggil sa kinalolokohan nitong babae na nagngangalang Jovelyn Curba, na ikinagalit ng suspek.

Sa halip na magpaliwanag ang suspek ay sinakal nito ang biktima at pinilipit ang dalawang kamay saka itinulak na nagresulta ng pagkakasugat at pasa at bukol ng huli.

Bago magtungo sa natu-rang himpilan ng pulisya ang biktima ay nagpagamot muna ito sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sa mga tinamong su-gat, pasa at bukol sa katawan.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.