Babaerong Mister, Pinaaresto ni Misis

WALA NANG sinayang na sandali ang mga operatiba ng San Miguel Police Station nang magsadya sa kanilang tanggapan ang isang ginang, dala ang Warrant of Arrest  laban sa kanyang asawa na nangibang-bahay.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang nadakip na suspek na si Robert Angcaya Y Mardo, 32 anyos, ng  Brgy. Talon, Amadeo, Cavite.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-11:30 ng hating-gabi ng Sabado nang isagawa ang pagdakip sa suspek sa bahay ng bago nitong kinakasama sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias, Cavite. Dakong alas 8:00 ng umaga nang arestuhin si Robert habang papalabas ng inuupahan nitong apartment.

Ayon sa salaysay ng misis na biktimang ayaw magpabanggit ng pangalan, bukod sa siya’y madlas na sinasaktan,inabandona na rin ng suspek ang nag-iisa nilang anak, kung saan mas prayoridad nito ang bago niyang kinakasama.

Nabatid na nakatakda sanang mamasada ng jeep ang suspek nang ihain sa kanya ang Arrest Warrant sa kasong paglabag sa Sec 5 (i) ng Republict Act 9262.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa San Miguel Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.