Babaerong kelot patay sa ka-live in

PATAY ANG ISANG kelot matapos pagsasaksakin ng ka-live-in sa loob ng kanilang bahay nang hindi na umano makayanan ng huli ang pagiging babaero ng una kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Dead on arrival sa Navotas Emergency Lyin-in Clinic sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Lito Dacallos, 29 ng Tulay 3, Daanghari ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang ka-live-in ng biktima na si Salvacion Molito, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Sa pahayag ng pinsan ng biktima na si Edmund Olidan, 30, dakong alas-4:30 ng madaling-araw, nagising siya nang marinig na sumigaw ng aray ang pinsan.

Pagmulat ng mata ay nakita ni Edmund si Salvacion na papatakas habang hawak ang patalim.

Nang tignan ni Edmund ang pinsan ay nakitang

duguan na naging dahilan upang dalhin sa nasabing pagamutan subalit hindi na rin ito umabot pang buhay.

Ayon sa ilang kapitbahay, madalas nagtatalo ang mag-live-in dahil umano sa pagiging mahilig sa babae ng biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.