Babaero at Sadistang Parak, Ipinaaresto ng Misis

KASALUKUYANG NAKAPIIT ang isang pulis sa Quezon City matapos ipaaresto ng sariling misis dahil sa umano’y pambababae at pananakit.

Sinabi ni Ginang Marichelle Laurio Manawis na lagi siyang sinasaktan ng asawang si PO3 Jesus Manawis sa tuwing umuuwing lasing.

Aniya, pinakahuling insidente ay noong Mayo 19 kung saan lasing na umuwi ang kaniyang asawa at nagalit nang hindi niya agad napagbuksan ng pinto.

May mga pagkakataon pa umano na tinututukan siya ng baril ng mister sa tuwing sila’y nagtatalo.

Samantala, hinala pa ng ginang, may iba nang babae ang kanyang asawa.

Sa ngayon, sasampahan ang naturang pulis ng paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.