Babaeng Thai, Dakip sa Shabu

ARESTADO ANG isang babaeng Thai matapos mahulihan ng tinatayang 6.7 kilo ng Shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kamakalawa.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Antonette Mangrobang ang dayuhang suspek na si Khamsa Napaporn, 40-anyos, na sumakay umano ng Emirates Air flight EK332 mula Nairobi.

Sinasabing itinago ng

salarin ang Shabu sa secret compartment ng kanyang bagahe.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dayuhang hinihinalang miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS). (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.