Babaeng pulis, napaiyak sa isang taong supply ng grocery

SMHINDI NAPIGILANG umiyak ng apat na babaeng pulis nang malamang makatatanggap sila ng libreng grocery buwan-buwan sa loob ng isang taon mula sa SM. Kasama nito ang certificate of recognition na iginawad din sa kanila ng mall matapos ang kabayanihang ginawa nila noong magkaroon ng nakawan sa isang jewelry stall sa loob ng Mall of Asia kamakailan.

“Sobrang saya namin kasi malaking tulong yung groceries sa amin,” sabi ni PO1 Juliet Macababbad.

Bukod kay Macababbad, pinarangalan din ang mga kasama niyang pulis na sina PO1 Delia Langpawen, PO1 Maricel Rueco, at PO1 Mercelina Bantiyag. Sinabi ng mga bagong bayani na hindi nila inaasahan ang ganitong klaseng atensyon dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin bilang mga pulis.

Bago naging pulis, isang volunteer nurse si PO1 Rueco, samantalang guro naman sa isang pribadong paaralan si PO1 Macababbad. Si PO1 Langpawen ay nakatapos ng criminology, habang Commerce naman ang tinapos ni PO1 Bantiyag.

Malayo ang mararating ng libreng grocery para sa mga kababaihang pulis, ngunit naniniwala ang SM na mas higit na malayo ang mararating ng kabayanihang ipinakita ng mga pulis na ito para sa mamamayang Pilipino.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.