Babaeng police-asset, patay sa riding-in-tandem

TODAS ANG ISANG babae na umano’y asset ng mga pulis matapos itong tambangan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Maryjane Love De Jose 46, may-asawa, ng No. 106 2nd St ., 3rd Ave., Bgy., 120, Caloocan City

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para sa agaran pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng 3rd Ave., ng nasabing lungsod.

Nasa kanto ng naturang lugar ang biktima habang kumakain ng barbecue nang bigla na lamang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ito, at nang tumimbuwang sa lupa ay tumakas ang mga suspek.

Dinala naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya ang biktima ay kilalang asset ng pulis at inaalam na rin ang tunay na motibo sa nasabing krimen.                   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.