Babaeng nagbi-video sa loob ng sinehan, arestado

LAOAG CITY – ARESTADO ang isang babae matapos maaktuhang nagbi-video sa loob ng sinehan sa Robinson’s Mall sa Ilocos Norte.

Hindi nakapalag ang suspek na nakilalang si Jhulie Kinahun, 27, tubong-Brgy. Pob. 2, Currimao, Ilocos Norte, nang agawin at kumpiskahin ng guwardiyang si Perfecto Acosta ang hawak na cellphone na ginagamit sa pag-video ng isang pelikula.

Agad namang isinurender ng guwardiya ang cellphone at memory card sa mga kinatawan ng Movie World Cinema.

Si Kinahun ay dinala sa tanggapan ng PNP, habang inihahanda rin ang kasong violation of Anti-Piracy Law na isasampa laban sa nasabing babae. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Babaeng nagbi-video sa loob ng sinehan, arestado

  1. Sabi ng friend ko na nagwork sa isang mall, may lagay daw ang mga security guard kaya nakakapasok at nakakapag record ng video sa loob ng sinehan mga iyan, kasagwat daw ang mga security. kaya imposible daw na masugpo ang mga iyan dahil may insider (security guard).

Leave a Reply

Your email address will not be published.