Babaeng nabuntis diumano ni Mark Herras, sa ibang bansa mangangangak?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! NASA Melbourne, Australia ang babaeng nabuntis diumano ng guwapong aktor na si Mark Herras. Ayon sa nakarating na chikka sa akin galing sa kampo ng babae, du’n na lang daw isisilang ng babaeng miyembro ng female group ang kanyang ipinagbubuntis ngayon.

Kamakailan lang, pumutok ang balitang nabuntis daw siya ng guwapong aktor. Lumantad ang babae nu’ng November at hanggang ngayon, hindi inaamin ni Mark na may nabuntis siyang babae, at hindi raw niya kilala ang babaeng miyembro ng female group.

Ayon naman sa chikka ng aking parazzi girl, mula nang lumantad ang babaeng nabuntis diumano ni Mark, hindi na raw nagkaintindihan ang grupo. Dagdag pa ng aking parazzi girl, tila nagkanya-kanya na raw ang mga ito. Pero buo pa rin daw ang suporta nila sa babaeng nagki-claim na nabuntis ni Mark. Naku, ha?!

Malalaman natin ‘yan pagbalik n’yan dito sa bansa kung may bitbit na bata, huh! ‘Yun na!

NAKU! PINUTAKTI ANG aking e-mail ng maraming nagtangkang manghula sa aking blind item nu’ng isang araw. ‘Yung iba, gusto pa ng clue.

Sorry na lang, ‘yun lang ang puwede kong ibigay. Nakakaloka kayo, ha?! Gusto pa akong diktahan. Para saan? Nakakaloka!

Pero speaking of luka-luka, marami rin pala ang hindi nagkagusto sa bagong pinapalakad na rules sa Bahay ni Kuya. Dahil pansamantalang wala si Big Brother, pinalitan ito ng isang Big Utol, huh!

Kung pasaway nga naman daw ang mga housemates ni Kuya, mas pasaway raw itong si Big Utol, kaya hindi nagustuhan ng mga marami.

Ayon sa aking chikkadorang friend, kung umasta raw itong si Big Utol, animo’y adik ito. At parang natutuwa pa siyang nahihirapan ang mga housemates. Naku, ha?! Naloka ako n’yan.

Pero, sorry na lang at hindi ko gaanong nasubaybayan at medyo busy ang beauty ko. Hahaha! Kaya ‘yun daw ang hindi nagustuhan ng karamihan, lalo na ng mga nanay na sumusubaybay sa reality show. Naku, bago pa may magprotesta, ibalik na si Kuya, huh! Hahaha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Babaeng nabuntis diumano ni Mark Herras, sa ibang bansa mangangangak?! – Tita Swarding

  1. “guwapong aktor na si Mark Herras. guwapong aktor”- 2 times mo binanggit ang word na guwapo? hello? bulag ka ba or magkano bayad ni Manay Lolit sa yo pra sabihin mong guwapo ito? Peace

Leave a Reply

Your email address will not be published.