Babaeng May Diperensiya sa Pag-iisip, 2 Beses Hinalay

ISANG BABAENG may kapansanan sa pag-iisip ang dalawang beses na pinagsamantalahan sa isang madilim lugar ng isang helper sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/ Sr. Supt. Rhoderick Armamento, ang biktima na itinago sa pangalang Olivia, 21, ng  M. Gregorio St., Canumay East ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kasalukuyang  namang nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan at nahaharap sa 2 counts of rape ang suspek na si Exman Josef , 30, binata, helper at kapitbahay ng biktima.

Base sa salaysay ng biktima sa tanggapan ng Women’s Children Concerned Desk (WCCD) hinatak siya sa madilim na kalsada sa nasabing lugar at doon siya pinagsamantalahan na labag sa kanyang kagustuhan.

Hindi pa umano nasiyahan ang suspek ay dinala pa nito ang babae kanyang bahay at doon ay muli namang pinagsamantalahan.

Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ang suspek dahilan upang makawala at makauwi ang babae at nagsumbong sa kanyang mga magulang.

Dakong alas-6:00 ng umaga, binitbit ng mga pulis si Josef na tinawag ng nanay ni biktima at ikinulong.

Sa panayam sa suspek, matagal na umano niyang gusto si Olivia at nakahanda niyang panagutan ang nangyari sa kanila.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.