Babaeng ‘Di na Pumapasok sa Trabaho, Patay na Pala

NATUKLASANG PATAY na pala ang isang babae matapos dalawin ng kasamahan sa trabaho dahil sa hindi pagpasok ng una sa Valenzuela City kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Cristy Dolor, 27 baker ng P. Faustino St., Punturin ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali, dinalaw ni Graspe Obispo ang biktima dahil ilang araw nang hindi pumapasok.

Ilang ulit na kumatok si Obispo subalit walang sumasagot na naging dahilan upang puwersahin na ng una.

Nang mabuksan ay sinalubong ng mabahong amoy si Obispo at nakita ang biktima na nakahiga sa kama at wala ng buhay.

Ipinaalam ni Obispo sa mga pulis ang natuklasan kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Babaeng ‘Di na Pumapasok sa Trabaho, Patay na Pala

  1. Pingback: Babaeng ‘Di na Pumapasok sa Trabaho, Patay na Pala - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.