Babaeng Binugbog ng Magnanakaw, Pinanood Lang ng mga Residente

MATINDING TRAUMA ang nararamdaman ng isang 20-anyos na dalagang pinagbubugbog ng salarin sa pagnanakaw sa pag-aari nilang bakery sa Quezon City.

Idinetalye ni alyas “Kylie” kung paano siya pinagnakawan at binugbog ng suspek noong Oktubre 7.

Ayon sa pahayag ng biktima, naniniwala siyang siya ang puntirya ng magnanakaw na kinilala ng mga awtoridad na si Erwin Salinas, 34-anyos.

Una aniyang umorder ng lugaw ang suspek na sa tingin niya ay lango sa droga, pero nagbago ang isip nito at bumili na lang ng sigarilyo at softdrinks.

Matapos nito, nagpadaan-daan na sa kanilang tindahan ang lalaki at tinatakot pa ang kanyang mga kostumer.

Nang magpatawag na aniya siya ng barangay tanod, hinamon pa siya ni Salinas at biglang nawala ang suspek. Nagulat ang biktima nang bumalik ito ay biglang itinapon ang tray ng tinapay at pumasok sa bakery.Dito na aniya siya sinimulang pagbubugbu-gin at pagsasabunutan ng salarin at pagkatapos ay kinuha pa ng lalaki ang pera sa drawer, matapos nito. Patuloy na nanlaban ang biktima at hinabol pa ang lalaki palabas ng tindahan.

Nadismaya rin ang dalaga dahil sa mga suki nila sa tindahan na nanood lang habang sinasaktan siya ng suspek.

Isang matanda pa a-niya na hindi niya kakilala ang tumulong sa kanya at inihambalang ang isang mesa kay Salinas.

Nakaresponde naman agad ang mga kinauukulan kaya naaresto ang suspek.

Tiniyak naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Leonardo Espina na hindi makakapagpiyansa si Sali-

nas dahil sa kasong robbery with frustrated homicide.

Hindi rin aniya niya nagustuhan ang ugali ng ilang residente na nanonood lang sa labas ng tindahan habang sinasaktan ang biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.