BABAENG BIKTIMA AT GEN. BACALZO, GINAGAGO NG LAGUNA PNP

TALIWAS SA IPINANGANGALANDAKAN ng pamunuan ng PNP na tutulong kay “Adeliza” dahil sa tangkang “pag-salvage” sa kanya sa Laguna ng dalawang “hayop” na pulis… tila kabaliktaran ang ginagawa nina Laguna Provincial Director Col. Manuel Prieto.

Bakit natin nasabi? Aba ay puno na naman ngayon ng pag-aalala ang biktima at ang kanyang pamilya na baka muli silang buweltahan nina P01 Andenor Mariquit at P02 Mario Natividad.

Kasi nga, muli na namang nagliliwaliw sa “laya” ang dalawang hayop na pulis matapos makapag-piyansa ang mga ito.

Ito, parekoy, ang tiyak na sasabihin ng kanilang mga opisyal: wala tayong magagawa diyan dahil may “release order” na ang mga iyan na pirmado ng isang huwes!!!

Ang tanong, parekoy, bakit may release order?

Kasi nakapag-piyansa ang dalawang halimaw na ‘yan!

At bakit sila nakapag-piyansa?

Kasi naman, ang mga kasong isinampa laban sa dalawang suspek ay “Attempted Murder at Unintentional Abortion.”

‘Yan, parekoy, ay mga kasong “bailable” na ang ibig sabihin ay maaaring magpiyansa ang sinumang tao na masasampahan ng mga ganyang kaso.

Ang ibig nating sabihin, parekoy, kung talagang desidido ang pamunuan ng Laguna PNP na papanagutin sa krimen ang dalawa nilang demonyong tauhan, dapat sana ay sinampahan nila ang mga ito ng kasong “abduction” o tungkol doon sa ginawang pagdukot sa biktima.

Dahil walang piyansa, parekoy, ang kasong ‘yan!

Imposibleng hindi alam ng Laguna PNP na “bailable” ang mga kasong isinampa nila kina Mariquit at Natividad.

Alam nila ang mga ‘yan, parekoy… kaya lang muli na namang umiral ang kahayupan pabor sa kanilang hanay!!!

Kung magsalita ang mga animal na opisyal akala mo masyado silang concern sa kalagayan/sinapit ng biktima.

Kung umarte ang mga hinayupak, akala mo gusto talaga nilang tulungan ang babaeng biktima…

Pero kung susuriin natin, talagang sinadya nilang magsampa agad ng dalawang “bailable” na kaso para makumbinsi ang biktima at publiko na talagang desidido silang ikahon ang dalawang suspek!

Mga ulol! Lokohin n’yo ang mga lolo ninyo!!!

PNP Director General Raul Bacalzo, abogado ka sir, kaya alam namin na alam mong ginagago ka ng mga tauhan mo sa Laguna!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.