Babaeng asset, patay sa kapatid ng pinahuli

PATAY ANG ISANG asset ng mga pulis matapos pagbabarilin ng kapatid ng pusher na pinahuli ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rowena Andres, 38 ng BMBA cmpd., 3rd avenue ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Noriel Badilla kasama sina alyas Dennis at Esel habang nadakip sina Abelardo Arceo at Nilo Gamit kapwa 17 pawang ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Bobby Mario Egera, alas-9:45 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan na si Marywinlove sa BMBA cmpd., ng salubungin ng grupo ni Badilla.

Natunugan ni Marywinlove na may masamang balak sina Badilla sa kaibigan na naging dahilan upang sabihan ang biktima na tumakbo subalit hinabol ito ng mga suspek at nang makorner ay agad na pinagbabaril ni Badilla.

Matapos ang insidente ay tumakas ang grupo subalit nadakip sina Arceo at Gamit.

Nabatid na kamakailan ay nahuli ang kapatid ni Badilla at ang biktima ang pinaghihinalaan nagpatimbog dito na naging dahilan upang gantihan ni Badilla.

MARY H. SAPICO

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.