Babae, Natagpuang Patay

BASAG ANG bungo nang matagpuan ang bangkay ng isang babae makaraang paluin ng matigas na bagay sa ulo ng dalawang ‘di pa kilalang salarin kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang biktima na inilarawan lamang ng pulisya na nasa 5’2” ang taas, slim ang pa-ngangatawan, tinatayang nasa edad 30 pataas, may suot na pink blouse, maong mini-skirt, black bra, pink panty, at may pulang pouch bag.

Kasalukuyan naman nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Caloocan Police para sa pagkakakilanlan sa dalawang kalalakihan na inilarawang may taas 5’5, slim ang katawan, kulay kayumanggi, habang ang isang pang suspek ay nasa 5’4” ang taas, slim ang katawan, kayumanggi, nakasuot ng puting T-shirt at short nasa edad 40, na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:15 ng madaling-araw kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Deparo-Camarin Bridge, Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.

Sa report ni Jan Aykroyd, 24, binata, ng 1483 Gumamela St., Camarin, ‘di kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay nakarinig siya ng boses na humihingi ng tulong.

Dito, nakita ang bangkay ng biktima na wala nang buhay at matinding pinsala sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa saksing si Joel Briones, 23, stay-in caretaker ng Magdalena Carwash sa Camarin Road, Brgy. 172, Deparo, ng nasabing lungsod, nakita nito ang mga suspek na nagmamadaling sumakay ng pampasaherong jeep patungong Novaliches.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen at tunay na pagkakakilanlan sa biktima.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.