Babae, Dinukot sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – PINAGHIHINALAANG dinukot ang isang babae sa Alaminos City, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilalang si Luzviminda Quinto, residente ng Brgy. Landoc sa nasabing lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng umaga kamakailan, kung saan ang biktima ay nilapitan ng apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan na lulan ng isang sasakyan na kulay berde na walang plate number at sapilitang isinama ng mga suspek.

Saksi naman sa nasabing pagtangay sa babae ang live-in partner ng biktima na nagpakilalang si Juan Montenegro at agad nitong ine-report sa mga kinauukulan ang naganap na insidente.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.