B-day wish ni Bong Revilla: ang gumaling ang ama – Lolit Solis

NGAYON LANG IBINABA ng PMA ang desisyon nilang isuspendi nang dalawang taon si Dr. Hayden Kho.

Napapabalita lang dati na nasuspendi na ng isang taon si Hayden pero wala pang official statement ang PMA tungkol diyan.

Paliwanag daw nila, dapat ay tatlong taong suspension ang ibibigay pero hindi naman daw si Hayden ang nagkalat ng sex video tape at hindi naman daw pinilit ang mga babaeng nakatalik niya kaya naging dalawang taon na lang.

Hindi naman iyun ang tinutukan nang husto ngayon ng kampo ni Katrina Halili. Mas concern nila ngayon ang sa PRC dahil ito ang makapagbibigay ng desisyon kung tatanggalan na ng lisensya si Hayden bilang doktor.

Malapit na rin daw ibaba ang desisyon nito dahil nakapag-sumite na sila ng position paper at ganu’n din ang abugado ni Hayden.

Medyo disappointed nga si Sen. Bong Revilla sa desisyon ng PMA pero ang inaasahan nilang mabigyan ng hustisya ang ginawa ni Hayden kay Katrina at sa ibang babaeng naiskandalo ay itong sa PRC at ang kasong isinampa sa DOJ na sana umakyat ito.

Pero matindi ang kalaban nila rito dahil siyempre naniniwala pa rin akong nandiyan pa rin ang suporta ni Dra. Vicki Belo kay Hayden.

Ang dami na ngang nagsasabing nakikita pa rin silang lumalabas na magkasama kaya I’m sure sila pa rin.

Ewan ko lang kung aaminin ‘yan ni Vicki, dahil ayoko nang pag-usapan namin si Hayden.

NGAYONG ARAW AY isi-celebrate ni Sen. Bong ang kanyang 43rd na kaarawan at meron itong konting selebrasyon sa White Space na tiyak dadaluhan ito ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz at pulitika.

Malamang ia-announce na rin ni Bong kung ano ang plano nito sa darating na eleksyon.

Ang tiniyak lang ni Bong ay tuloy na raw ang pagtakbo ni Lani Mercado bilang Congresswoman ng Bacoor.

Marami na raw nasimulan si Lani na proyekto sa Bacoor sa tulong ni Mayor Strike Revilla kaya mahal daw ito ng mga taga-Bacoor.

Pagdating sa pulitika, ayoko nang pakialaman si Lani. Ang sa showbiz lang nito ang pinakikialaman ko kaya tinanggap ko pa rin ang Kaya Kong Abutin ang Langit dahil sa totoo lang mas type ko pa ring nasa showbiz lang siya at taga-suporta na lang siya sa political career ni Bong.

Pero kung talagang gusto nitong makatulong sa Bacoor, na alam ko namang marami siyang magagawa sa lalawigang iyun, hindi ko na kinontra.

Kaya hindi magkandaugaga si Lani sa schedule niya dahil marami pa siyang ginagawa sa Bacoor, isisingit pa ang taping niya sa Kaya Kong Abutin Ang Langit na magsisimula na sa Lunes.

Happy birthday na pala kay Bong! Wala na raw siyang mahihiling sa kaarawan niya kundi magpasalamat sa lahat blessings sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kung sakali, hihilingin na lang daw niya na tuluyan nang gumaling ang Daddy niya.

Malaki na nga raw ang improvement ng Daddy niya kaya sana tuluy-tuloy na ito at makapagsalita at makapaglakad na nang diretso.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “B-day wish ni Bong Revilla: ang gumaling ang ama – Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.