B-day ni Dingdong Dantes, ginastusan ni Marian Rivera by Lolit Solis

IMPRESSIVE ANG PRESENTATION ng Darna sa press launch nito na ginanap sa GMA- 7 nu’ng nakaraang Lunes.

In fairness kay Marian Rivera, maganda ang mga kilos nito sa stunts niya sa fight scenes sa goons kaya pinalapakpakan ito ng mga reporters na dumalo sa presscon na ‘yun.

Lalong na-excite si Marian dahil maganda ang feedback sa press launch na ‘yun lalo nang ipinakilala ang mga makakalaban nito.

Kung nagpakita ng kaseksihan si Marian, hindi rin nagpaawat ang mga tumayong villainess na sina Iwa Moto bilang Valentina, Maggie Wilson bilang Babaeng Linta, Francine Prieto bilang Babaeng Tuod at si Ehra Madrigal bilang Babaeng Lawin.

Pero mas nakakatakot ang karakter ni Nadine Samonte bilang Babaeng Impakta na may kakambal na halimaw. Bongga ang mga kontrabidang ipinakilala lalo na ang hari ng lahat na mga kontrabida na si Kobra na ginagampanan ni Paolo Contis.

Marami pang exciting na kuwento doon sa presscon na mapapanood n’yo sa Startalk sa darating na Sabado, at live na ipapakita ang fans day roon ni Marian.

Kahit hindi kasali si Dingdong Dantes sa bagong fantaseryeng ng GMA- 7, siya pa rin ang napag-usapan ng mga reporters dahil kabe-birthday lang ng aktor. Ikinuwento naman ni Marian na nag-celebrate sila ng birthday ni Dingong nu’ng Linggo. Siya ang nag-treat ng dinner kasama ang pamilya ni Dingdong. May ibinigay raw siyang regalo sa aktor pero ayaw naman niyang sabihin. Tanungin na lang daw si Dingdong kung ano iyon. Masaya raw sila sa kaarawan ng aktor at siyempre wish niya na maging successful si Dingdong sa bagong project na gagawin niya at basta masaya lang sila.

Sa August 12 naman ang kaarawan ni Marian, pero wala raw siyang balak na i-celebrate ito dahil kailangan daw niyang mag-taping sa Darna.

Hindi raw niya alam kung may balak si Dingdong pero siyempre surprise ‘yun sa kanya, kaya wala pa siyang ideya kung ano ‘yun. Basta magtatrabaho raw siya sa birthday niya.

AYAW PA RIN ni Yasmien Kurdi na magsalita tungkol sa kasong isinampa niya laban kay Baron Geisler pero tuloy raw ‘yun.

Ang unang nilapitan ni Yasmien nu’ng nagreklamo siya ay ang Women and Children Protection Desk ng DILG at hanggang ngayon ay iniimbestagahan pa rin daw sa pamumuno ni Chief Supt. Gilbert Cruz.

Nang makatsikahan namin si DILG Sec. Ronnie Puno nu’ng nakaraang linggo, sinabi naman niyang hindi ito pinababayaan ng Women and Children Protection Desk dahil artista man o hindi, mahirap man o mayaman, talagang tinututukan daw nila ito. Iyon naman daw ang pakay ng desk na ‘yun ng DILG na mabigyan ng proteksiyon ang mga kababaihan at mga kabataan sa pang-aabuso sa kanila.

Kaya kinukumpleto pa nila ang imbestigasyon bago sila magbigay ng statement sa kalagayan ngayon ng reklamong isinampa ni Yasmien laban kay Baron.

Bukod kay DILG Sec. Puno, inaasahan ding tutulong dito ang GMA-7 dahil talent naman nila si Yasmien.

Tumutulong nga ang GMA-7 sa hinaharap na kaso ni Richard Gutierrez laban kay Lorayne Pardo, siguro naman dapat rin silang tumulong kay Yasmien at kahit kay Katrina Halili pa, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

28 thoughts on “B-day ni Dingdong Dantes, ginastusan ni Marian Rivera by Lolit Solis

  1. ano???si krylle mag da-darna rin,,wow kaialan yan,,,oy goodluck huh,,pagbutihin mo ang paglipad mo,baka maligaw ka,,kailangn magnda ang ngiti mo ha huag yong pati gilagid makita okey

    • Darna for the nth time!!!! ewww, as if naman eh may moral values ba ang Darna, inyong inyo na yan at dyan nababagay ang idolo nyong ambisyosa, at wag na wag nyo ng mabanggit si karylle, mag move forward na kayo para mas visual at mas mabilis..tantanan nyo na siya

  2. go…go..darna naghihintay na yong mga anak ko sa pag lipad mo,,huag mong papansinin ang mag ingetera na nakapalibot sayo..baka si kryle mag darna rin sa year2040

    • ano naman ang mapapala ni karylle sa pag-dadarna, its one project that you wouldn’t be proud of because its all about WASTE as in IDOLATRY at walang mensaheng maganda kundi puro kabalbaban, isaksak nyo yan sa BAGA NI MARIAN BAKYA!!!

      • sori 2 say dear…..krmihan ng artista
        gustong mging darna….dream ng bwat 1 actress
        ang mpbilang s mga nging darna.
        if i know nno2od krin ng darna…even b4 n di c marian ang
        bida.

  3. tumabitabi nga kayo mga ngepay kamukha nyo yong idol nyo si krylle,,kaya kayo iniiwan ng mga djowa nyo,,dahil mga pentasera kayo..seguro lang kung naging kamukha nyo si marian baka nasa gma7 na rin kayo,,pero sorry na lang kayo….noh

    • huh? look whos talking? baka ikaw ang umiidolo sa mukha lang dahil wala ka nun, at least kami ang iniidolo namen eh, MAGANDA NA MAY UTAK PA, hindi pangkama lang, takpan mo pa ng kumot mula binti at hips, SUSME!!!

  4. kung kay kryle lang,,kay marian na ako,,ang swerte nga ni dong eh,, nagustuhan sya ni marian,,pagkumparahin natin yong dalawa eh,lamang si marian..mas maganda si marian sa katawan,pag ngumiti,walang retoke,magaling na actress..lahat2 nasa kanya na,,kaya ingit lang kayo..maysense,,kiri,,akane,,queen isabela,,,pangit nyo

    • kung sa mga mababaw na tao solve talaga si marian b kase ganun naman talaga ang kalevel nun, pero subukan mo siyang isama sa mga rich and famous, i think you know exactly what i mean, pero sige para mas fair sa inuman na lang ng mga lasengero at DOM sigurado mabenta siya dun!

      • bagay syo….un mo
        mas mba2 p level mo ka walter dhl pintulan mo
        ang pgi2ng pintsero nya.
        wehhhhh
        minna get life!!!

  5. bilib rin naman ako dito kay maysense,ingit kay marian kasi sinusundan nya,,galit sya kay marian kasi love ni dong si yan2,,ako man ito kung ako si dong kung ganyan kaganda at magkasundo kami,,di kay marian na ako,ganda ng katawan, kung kay karyl lang naman

    • yeah yeah right, its just a matter of choice, kung ikaw ay isang taong naghahanap lang ng babaeng pangkama pwedeng pwede yang choice mo, GOOD CHOICE ka dyan, congrats

  6. Di talaga kayo maka move on! Walang nang ahas, na FALL OUT OF LOVE LANG TALAGA SI DD KAY KARYLLE NYO!!!! tHEY WERE NEVER ENGAGED, and good for Karylle that Dingdong was true to himself, rather than lie for the rest of their lives. It’s now or later, they will still part ways. Pag nawala na yung love, mahirap to carry on.
    I think most of those who are commenting on nang ahas or nang agaw ay relatively have no experience in life. Later on , you will realized how love works. If the other party is not into it anymore, mas mabuting maghiwalay rather than be unhappy.
    I really pity Marian on this issue, it’s very unfair, I know most of the bitter people here are so inexperienced kaya banat lang kayo ng banat.
    Forgive and forget, that’s their lives were talking!!!

  7. ayaw pa kasi umamin ni marian na inahas nya si dingdong kay karylle noh, syempre magiging nega sya sa tao. palengkera, bopols daw yan sabi ng pinsan ko.

  8. NAKAKATAWA KA LOLIT!!!!!!!!!!!!! DATI PANAY ANG BANAT MO KAY MARIAN OVER KARRYLE!!!!!!!!!!NOW ALL OUT ANG PAGPURI MO !!!!!!!NAKU NAMAN HALATANG BAYARAN KA!!!!!!!!!!!! OBVIOUS NA OBVIOUS!!!!!!!!!

    • binayaran ni marian rivera si lolit para magkaroon naman siya ng magandang publicity, because that’s all she’s worth it “no money no good publicity”

  9. wow ang ganda talag ni Marian!
    si angel laosin naman mukhang katulong lang.. retokada pa ang b00bs at ilong!

  10. Galing ni Lolit na PR manager. Ginagawang mabangong mabango ang balita tungkol kay Marian, maski embellished pa. Bakit hindi mo ipromote ang pictures ni Marian sa issue#114, Clickadora picture#3, Angel Locsin vs Marian Rivera as Darna? Ganda niya doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.