B-day gift ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, sobrang mahal

NAGKAROON NG BONGGANG launching ng bagong CD album si Dingdong Dantes na pinamagatang The Dingdong Dantes Experience ng Universal Records.

Apat na music video ang nakapaloob dito na dinirek ng mga kilalang MTV directors na sina Louie Ignacio, Rico Gutierrez, Adrian Calumpang at Treb Monteros.

Medyo sexy ang dating ng ibang MTV na ginawa ni Dingdong pero bitin pa rin ang mga bading dahil mas gusto sana nila lumabas lalo ang kaseksihan ng aktor na naturingan naman itong One of the Sexiest Men in the World.

Doon sa launching na ginanap sa Circa bar sa Eastwood, si Marian Rivera pa rin ang inurirat nang husto kaysa kay Dingdong dahil obviously, aminado na sila sa kanilang relasyon.

Hindi na nila itinatanggi at sabi nga ni Marian, sana pang-habambuhay na ang relasyon nila. Sey naman ni Dingdong, si Marian na ang ultimate love niya.

Agree nga siya sa kuwento ng iba na paborito si Marian ng pamilya ni Dingdong pero mas mabuting sila na lang daw sana ang magsabi niyan dahil hindi pa naman niya ito naitatanong sa magulang niya. Pero nakikita raw nilang nagustuhan nila si Marian at natutuwa siya dahil tanggap nga ito ng pamilya.

Sa susunod na buwan ay magkasunod ang birthday nila ni Marian pero wala pa raw silang napag-usapan kung ano ang balak nila sa espesyal na araw na iyun.

Meron na raw siyang inihandang regalo para sa birthday ni Marian pero wala pa raw siyang ideya kung ano naman ang ibibigay ng dalaga. Matagal na raw niyang pinaghandaan ang ireregalo kay Marian at isang mamahaling bagay raw ito na isusuot ng aktres. Pero tinitiyak niyang hindi ito singsing o mamahaling alahas.

Ang isa pa lang daw sa plano niya ay ang itatayong foundation na hindi pa niya muna puwedeng sabihin sa ngayon. Basta matagal na raw niyang pinaplano ito na sana mabuo na at balak niyang i-launch ito sa kanyang kaarawan.

Kahapon naman ay nag-pictorial na si Marian para sa Darna dahil malapit na itong magsimula.

Wala pa rin daw siyang plano kung ano ang gagawin niya sa kanyang kaarawan, pero meron na rin daw siyang pinaghahandaan para sa kaarawan ni Dingdong.

NASULAT NA KAMAKAILAN lang ang tungkol sa isang guwapong young

actor na mukhang may matinding karamdaman, at ngayon nga raw ay patuloy ang blood transfusion dito.

Tinanong namin ang nagsulat ng blind item na ito kung sino itong young actor, nabigla kami nang sinabi niya sa amin dahil napansin nga naming pumapayat itong guwapong young actor.

Wala kaming pagkakataong itanong ito sa young actor dahil baka wrong timing lang. Hindi rin namin matanong sa kanyang manager at baka talakan kami.

Pero marami na ang nakapansin na pumapayat ito pero mukhang okay pa rin naman.

Sana nga magawan pa ng paraan at hindi na lumala ang sakit niya dahil sayang naman at napakabata pa ng aktor na ito.

Kahit medyo may kasupladuhan at halos hindi kami mabati ng young actor na ito, hangad pa rin namin ang paggaling niya at sana nga huwag nang lumala ang kung anong sakit meron siya.

by Gorgy’s Park

loading...

19 thoughts on “B-day gift ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, sobrang mahal

  1. teka sino yung kasama ni DD sa picture parang bading na nagparetoke at ready na sa pagrampa….kapal ng make-up ha….bading na bading….

  2. no comment ako sa mga negative niyo. basta cla dingdong and marian sikat ano paki niyo. inggit ba kayo.marunong clang lumingon sa pinanggalinga.

  3. kaya naman pala…sino ba naman ng make up kay yan2x di amrunong puti ng mukha ni yan tapos katawan niya di pantay…..budbod ng make up si marian dito!

  4. ikaw ember why u dont go to church,, nalalabuan ka na ng pag-iisip baka ang tingin mo sa mother mo,,e demonyo na rin,hindi maganda ang lumalabas sa utak mo,,nag-aral ka ba???????????

  5. kayo ang mga mukhang demonyo,, ingit lang kayo dahil sikat sila sa mga idol nyo,, kaya tumahimik kayo, buti pa mag simba na lang kayo para maliwanagan ang inyong mga bulok na utak,,okey……

  6. masyadong hard sell ang relationship na to, ba’t kaya?ano kaya gustong patunayan ng dalawang to? na hindi sila naggagamitan lang he he siguro nga kahit silang dalawa eh hindi kumbinsido sa relasyon nila na halatang ginagamit lang ang isa’t isa… tsk tsk

      • totoo yan, halatang ginagamit lang ni lalake si babae, di ba the issue about the ATM of a former model na hinuthutan ni lalake para lang sa braces nya, ewww nung dancer pa lang siya, ha ha cheap! sabagay mauuto nya talaga tong babeng to kasi wa brain naman to eh.

  7. hahaha! o cge na nga maganda at gwapong demonyo sila. kahit ano pa sila Bagay sila at sikat sila at higit sa lahat like ko sila. basta si piolo bading!

  8. Mga inggitera ang dalawang ito, kahit pictures na simple binibigyan ng masamang description! Hayyyy!!! napaka babaw ng mga ibang tao, wala na kasi kayong maipintas sa dalawang ito. Kahit pics pinagtitripan niyo.

  9. OO nga. Kung minsan, may subliminal message ang nakikita natin. Siguro nga demonyo. Maski si Marian. tingnan mo ang mata. Mapula. Para ring demonyita.

    • bopol mo nmn…may times n ganyan tlga ang eyes
      s pix look at ur pix ung iba red din ang eyes mo…kaw
      tlga prng praning…..ganyan k cguro pinlaki ng mgulang mo…puro…d…..o ang lging nri2nig mo
      pathetic……

Leave a Reply

Your email address will not be published.