AZKALS, PINARANGALAN NG PSA

KABILANG ANG PHILIPPINE Football Team (Azkals) sa mga atletang pinarangalan sa 2011 Coca-Cola-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night noong Sabado, Marso 5, na ginanap sa Centennial Hall  ng Manila Hotel.

Tinanghal na Athletes of the Year sina Francisco ‘Django’ Bustamante (Billiards), Rey Saludar (Amateur Boxing), Dennis Orcollo (Billiards), at Angelberto ‘Biboy’ Rivera (Bowling).

Ginawaran naman ng Hall of Fame sina Efren ‘Bata’ Reyes (Billiards) at Florencio Campomanes (Chess), habang binigyan ng Lifetime Achievement Awards sina Virgilio ‘Baby’ Dalupan (Basketball) at Carlos Padilla, Jr. (Boxing).

Nagpamalas ng galing ang Philippine Azkals sa katatapos nitong laban sa nakaraang 2010 AFF Suzuki Cup at sa qualification playoffs kontra Mongolia para sa 2012 AFC Challenge Cup. Kaya naman, ibinigay ng PSA ang Presidential Achievement Award para sa lumalakas na Philippine Football Team. Dahil sa pagiging popular ng Philippine Azkals, inaasahang magiging popular na rin sa bansa ang larong football, gaya ng basketball at softball.

(Danny Volante)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.