Azkals, Balik-Pinas Na

BALIK-BANSA NA KAHAPON ng madaling-araw ang Philippine football team Azkals kasunod ng kanilang tagumpay na makapasok sa AFC Challenge Cup group stage sa Myanmar.

Sa report, alas 4:00 ng madaling-araw nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang Philippine football team lulan ng Philippine Airlines flight 733.

Noong Biyernes ay nakalagpas sa do-or-die game ang Azkals nang kanilang talunin sa iskor na 3-0 ang Bangladesh.

Nagpaunlak ng panayam si Dan Palami, ang team manager ng Azkals kung saan ibinida nito ang kanilang strategy sa panalo ng national team.

Inamin din ni Palami na malaking lesson sa kanila ang dalawang tabla na nakamit ng Azkals sa laban sa Myanmar at Palestine.

Gayunman, ipinagmalaki na isang “blessing” na nagawa nilang talunin ang Bangladesh kahit wala si Phil Younghusband.

“Masaya kami kasi finally nag-click ‘yong team after two games. Medyo may mga missing na strategy, mga place, na naayos namin for the last game and naipakita naming kung gaano talaga kagaling ang team natin sa recent tournament na sinalihan natin,” ayon pa kay Palami.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.