Azarcon Robbery Hold-Up Group, Nalansag; 2 Todas sa Engkwentro

AGAD NA binawian buhay ang isang sundalo, habang dead on arrival naman sa isang pagamutan ang kasama nito makaraang makipagbarilan sa mga o-peratiba ng Nueva Ecija Police habang inilalatag ang dragnet operation laban sa mga notorious robbery hold-up group sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat na ipinadala ng Bongabon Police Station kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Walter Castillejos, kinilala ang mga napatay sa engkwentro na sina Sgt. Angelo Milano, 33 anyos, miyembro ng 7th Infantry Divission ng Phi-lippine Army na nakatalaga sa Camp Fort Magsaysay. Ito’y base sa nakuhang dokumento ng scene of the crime operatives (SOCO); at Ferdie Moga, nasa hustong gulang, residente naman ang Brgy. Sibul sa bayan ng Talavera, habang nakatakas naman ang  dalawa pang kasamahan nito lulan ng motorsiklong walang plaka.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng awtoridad, dakong ala-6:30 nang karnapin ng mga suspek sa Brgy. Malinaw ang sasakyan ni Bongabon Councilor Gaudencio Fernandez na Nissan Frontier na may plakang CRZ-844.

Dakong alas-7:50 ng gabi nang makipagbarilan ang mga suspek sa mga pulis sa Brgy.Tugatog, kung saan agad na tumimbuwang ang dalawa sa apat na suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang kinarnap na sasakyan ni Coun. Fernandez at iba’t ibang mga ninakaw na gamit. Nakuha rin mula sa mga nasawi ang isang cal. 45 at cal. 9MM at mga bala ng baril.

Ayon kay Sr. Supt. Castillejos, sangkot ang grupo ng Azarcon Gang sa carnapping at robbery hold-up activities sa iba’t ibang lugar sa lalawigan at karatig-bayan.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.