Ayuda ng US Agency sa ‘Pinas, Hihinto na sa 2016

POSIBLENG HUMINTO na ang Millenium Challenge Corporation (MCC) ng pagbibigay ng suportang pampinansiyal sa Pilipinas pagsapit ng taong 2016.

Ang MCC ay isang ahensiya mula Estados Unidos na nagbibigay ng ayuda sa pagtataguyod ng good governance pero hindi naman ito maitutu-ring na masamang balita ayon sa naturang ahensiya.

Ihihinto na ng MCC ang pagsuporta sa bansa dahil naniniwala itong magi-ging isang middle-income country na ang Pilipinas pagsapit ng 2016 at hindi na mangangailangan pa ng suporta.

Sinabi ni Daniel Yohannes, CEO ng MCC na tiwala silang magkakatotoo ito lalo’t kung magpapatuloy ang kasaluku-yang antas ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, humihingi na noon ang bansa ng ayuda mula sa MCC ngunit ipinagkaloob lang ng ahensiya ang halos kalahating bilyong dolyar pag-upo sa puwesto ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong taong 2010.

Sa ngayon, ginagamit ang $434 milyong pondo sa paglalatag ng 220-kilometrong kalsada sa Eastern Visayas, para sa iba’t ibang rural development at computerization ng collection system ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Samantala, matatapos naman ang kontrata kasabay ng pagtatapos ng termino ni P-Noy.

Ayon naman kay Finance Secretary Cesar Purisima na bagama’t mainam kung muli sanang makakakuha ng suporta ang ating bansa, hindi na rin naman masama kung hindi na magiging kwalipikado ang Pilipinas dahil nangangahulugan lamang ito ng lehitimong paglago ng ekonomiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.