Ayon sa dating bodyguard, Michael Jackson pinlanong ipapatay ang kapatid!

ISANG NAGNGANGALANG Matt Fiddes na dating bodyguard ng namayapang King of Pop na si Michael Jackson ang lakas-loob na nagsiwalat na diumano’y pinlano raw ni Michael na ipapatay ang isa sa mga kapatid nitong si Steven Randal “Randy” Jackson (hindi ang American Idol judge na si Randy Jackson)!

Naganap daw ang “plano” noong panahong paranoid si Michael kung saan gulung-gulo raw ito sa pagpipilit sa kanya ng kanyang mga kapatid na pumirma sa isang $500 million deal para sa reunion tour ng Jackson 5.

“Things reached a head when Randy was trying to force his way past the bodyguards to speak to him in one of his rented homes. Michael ordered him to be shot. Of course, no one shot Randy, who is alive and (presumably) well right now. Michael was out of mind on drugs and luckily Randy was ok,” Fiddes explained.

Nakarating daw ito sa kaalaman ni Randy at takot na takot daw ito at nagplano pa nga raw na magsumbong sa mga press.

 

JOHN TRAVOLTA, INAKUSAHAN NG 2 MALE MASSEUR NG SEXUAL HARASSMENT!

 

NALALAGAY NA naman sa “alanganing sitwasyon” ang “Face-Off” superstar na si John Travolta!

Kamakailan lang ay pinaratangan ang aktor ng sexual harassment ng isang male masseur kung saan diumano ay pinilit siya ng aktor na makipagtalik.

Ayon sa masahista, hinipuan daw siya ng “Grease” actor sa legs at sa ari nito at piniilit nga raw siyang makipag-sex.

Idinetalye pa ng masahista na pinik-ap daw siya ng isang black SUV sa Beverly Hills at inihatid sa isang bungalow sa Beverly Hills Hotel.

Pero ilang araw pa lang lumabas ang paratang sa aktor ay heto’t may isa na namang masahista ang lumabas at pinaratangan din ang aktor ng sexual harassment.

Nagpahayag naman ang mga lawyer ni Travolta na pawang mga “fiction” lang ang mga paratang ng dalawang masahista at gusto lamang kuwartahan ang aktor na balitang humihingi raw ng $2 million in damages ang dalawang masahista.

Noon pa man ay napapabalitang gay ang aktor at ayon pa sa isang source ay naging laman ng mga tsismis noon pang 1995 si John na nagkaroon ng mga countless sex acts sa isang L.A. bathhouse.

 

PAGKATAPOS NG PAGLULUKSA, BOBBY BROWN MAGPAPAKASAL NA!

 

PAGKATAPOS NG pagkamatay ni Whitney Houston, plano na raw magpakasal muli ni Bobby Brown.

Sa June 15 ay plano na raw pa-kasalan ni Bobby ang kanyang long-time girlfriend na si Alicia Etheridge at magaganap daw ang kasalan sa Honolulu, Hawaii kung saan magkakaroon din ng concert ang grupong kinabibilangan noon ni Bobby, ang New Edition.

Two years nang engaged ang dalawa kung saan meron silang isang anak.

 

RIHANNA, GUEST SA FINALE NG AMERICAN IDOL!

 

SI RIHANNA ang magiging guest performer para sa finale ng American Idol kung saan kakantahin niya ang kanyang latest new hit single na “Where Have You Been.”

Sa May 22 magaganap ang nasabing finale ng American Idol, kung saan 3 finalist lamang ang maglalaban para sa premyong record deal.

Kasalukuyang naglalaban pa sa tatlong posisyon sina Hollie Cavanagh, Joshua Ledet, Phillip Phillips at ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.