Ayon kay VJ Andrei – Jennlyn Mercado, two-timer!

NAKAUSAP NG ILANG katoto ang ex-boyfriend ni Jennylyn Mercado na si Andrei Felix. Hindi raw nito nagustuhan ang sinasabi ng aktres, lalo na ang umano’y ayaw nitong magsalita siya sa press. Sa pagkainis daw nitong si Andrei, biglang naibulalas sa nakapaligid sa kanyang mga reporter na mag-on pa lang daw sila ni Jennylyn ay nakikipagkita na ito kay Dennis Trillo. Siyempre, ikinagulat ‘yon ng ating mga katoto.

Kumbaga, lumalabas na nag-two-time si Jennylyn sa naging pahayag ng kanyang ex-boyfriend. Sa mga pahayag naman nina Jennylyn at Dennis, aminado silang nagde-date sila, pero wala pa rin daw naman silang commitment sa isa’t isa. Kahit na nga lumabas na dito sa Pinoy Parazzi ang photos nila sa Hong Kong, kung saan ay magka-holding hands ang dalawa, idinedenay pa rin nilang magsyota na sila.

Bukas naman ang aming kolum sa panig ni Jennylyn hinggil sa umano’y naging pahayag ni Andrei.

INIS SI MAUI Taylor sa isang showbiz-oriented TV show na naglabas na ikakasal na raw siya. Siya raw mismo ay nagulat sa balita. Ilang mga kaibigan daw niya ang tumawag at nag-text sa kanya at nagtatanong kung kailan ang date ng kanyang kasal.

“Sana man lang ay ako mismo ang tinanong nila,” ani pa ni Maui. Kumpleto raw kasi sa detalye ang naturang TV show sa wedding niya. At ‘yon ang lalong ikinawindang ni Maui.

Wala pa raw balak lumagay sa tahimik si Maui dahil enjoy pa rin siya sa pagiging single niya.

SI IC MENDOZA pala ang source ng balitang nakita si Maja Salvador sa loob ng kotse ng fiancée ni Roxanne Guinoo. At ang nagbuking naman nito ay ang mismong nanay ng host ng Juicy na si Dolly Ann Carvajal. Kinumpirma rin daw ni IC sa ina na totoong mag-on na sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Komento na lang ng ibang kasama sa panulat, dapat daw ay magpreno sa bukingan ang mag-nanay dahil artista na rin naman si IC. Baka raw dumating ang puntong hindi na ito pagkatiwalaan ng kapwa-artista niya dahil pinangalanan siya ng kanyang mader na source nito.

BLIND ITEM. BALIK DAW sa pagiging GRO ang young actress na sumali sa isang reality-TV noon. Pagiging praktikal lang daw ang dahilan nito. Wala nga naman daw itong masyadong raket sa showbiz at kailangan nitong pakainin ang anak. Kaya dapat lang daw itong magtrabaho.

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleKris Aquino, ginagamit lang si Baby James para mapag-usapan?!
Next articleGuesswhodoes: Precious Lara Quigaman does the ‘Rampang Beauty Queen’

No posts to display