Ayon kay Ka Freddie Aguilar: Charice Pempengco, pinatunayang ‘unggoy’ ang mga Pinoy!

NAKASALUBONG NAMIN NU’NG Monday sa ABS-CBN ang isa sa executives ng Star Records na siyang namamahala ng career ni Charice Pempengco. Inalam namin ang reaction nila sa mga sinabi ng legendary singer/composer na si Freddie Aguilar kay Charice at ‘di sila makapaniwala Sa sinabi ng beteranong singer.

Sa grand launch ng bagong Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant sa bandang Adriatico sa Malate, Manila, kinunan kasi namin ng reaksiyon si Ka Freddie sa tinatamasang international recognition ni Charice, pati na ni Arnel Pineda.

“Hindi maganda ang masasabi ko, eh, gusto n’yo, sabihin ko? Eh, pinatototohanan lang ang sinabi ni Mariah Carey na tayong mga Pilipino ay mga unggoy. Kasi, wala tayong sarili, gaya-gaya lang tayo. Nasa Amerika ka na, binigyan ka na ng pagkakataon na kumanta sa ‘Oprah,’ bakit kumanta ka pa ng kanta ni Celine Dion? Sinabi ni Mariah na mga unggoy ang mga Filipino, gaya-gaya lang kayo, eh. ‘Di napatunayan nga, totoo nga.

“Kasi, ‘di ba, what monkeys see, monkeys do. Dapat ang kinanta niya, bakit hindi ‘Dahil Sa Iyo’ o kaya ay kahit ano, basta kantang Pilipino? O kaya Visayan, Ilocano? Lalo siyang sisikat sa buong mundo nu’n,” paliwanag ni Ka Freddie.

Ikinuwento ni Ka Freddie na siya man ay inalok din ng international career. At doon ay may guaranteed contract siya na P10M for ten years. In fact, nagawa na niya ang album sa US at naging back-up singer pa niya noon si Teri de Sario na nagpasikat ng kantang “Fallin.” Nakapaloob sa album ni Ka Freddie ang kanta niyang ‘Anak’ at ‘Alaala ni Ama.’

Iniuwi niya sa Pilipinas ang album at nu’ng pinakinggan niya raw mag-isa ang album, nag-iba ang kanyang isip dahil tunog-Amerikano na ang dating ng kanyang musika. Binantaan siya ng mga foreigner na kausap niya at sinabi na malalaos siya. Pagkatapos noon, inilabas niya ang awiting “Magdalena” at sumikat sa buong mundo. Sad to say, hindi niya nai-promote ito internationally, dahil pinatay na si Ninoy Aquino.
“Imbes na mag-promote ako sa buong mundo, nandiyan ako sa rally, kumakanta ako ng bagong version ng ‘Bayan Ko,’ na later on, naging international ulit. So, mali pala ‘yong mga sinabi ng mga Kano na malalaos na ako, na makakalimutan na ako ng buong mundo. Dahil lalo akong minahal ng buong mundo, dahil nanindigan pa ako, hindi ko ibinenta yung soul ko at hindi ako naging unggoy. So, hindi ako unggoy na Pilipino at maraming hindi unggoy na Pilipino,” diin ni ka Freddie.
Samantala, ayaw namang makialam ni Ka Freddie sa gusot na kinasasangkutan ng kanyang anak na si Megan Aguilar sa bokalista ng bandang Kjwan at anak ni Direk Marilou Diaz-Abaya na si Marc Abaya. Bagaman naririnig nga niya na may problema ang kanyang anak tungkol kay Marc, hindi naman siya basta nakikialam.

“Pinalaki ko nang mabuti at maayos ang mga anak ko. Naririnig ko ‘yun pero naisip ko, bakla lang ang pumapatol sa babae. Wala pa namang sinasabi si Megan sa akin. Pero kapag kinailangan niya ang tulong ko o payo ko, magsasalita ako,” sabi ni Ka Freddie.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

42 thoughts on “Ayon kay Ka Freddie Aguilar: Charice Pempengco, pinatunayang ‘unggoy’ ang mga Pinoy!

  1. sa tutuo lang hinde patunay na tsongo kung hinde kabayo at siya sa sarile niya etong si Freddie Aguilar ang tinutukoy niya. Tingnan ninyo yung mukha ni Freddie “panopio” Aguilar di ba mukhang kabayo.

  2. Inggitero lang talaga etong si Freddie Aguilar!!! saan ba siya galing dati di ba sa Gapo’ kinakantahan niya yung mga amerkano??? kunwari pa siyang original eh tingnan mo nga kung mag damit? parang pinag halong Steve ray Vaughn na Ritchie Sambora he hehe he!!!!

  3. Lahat tayo ay may kalayaang mag-comment, at yun ang pananaw niya kaya we should respect his opinion. In fairness to Freddie, naging malaki ang kontribusyon niya sa music industry and totoo namang makabayan siya. Saka sa lahat ng mga aspiring singers dapat maging prepared kayo sa mga ganyang comments, eh pinasok niyo yung industry na yan eh panindigan niyo. Kasi boring din naman kung lahat tayo ay puro paghanga dapat meron ding oppose para makita kung ano pa ang dapat i-develop ni Charice. anyway I wish Charice and Ka Freddie the best in life.
    Saka tama na yung pag-akusa sa ating mga pinoy ng crab mentality, common, wala namang naiingit or humihila, yung mga comments are just plain comments, dapat it will serve as challenge at patunayan na mali sila. Yun lang…. Ok sige, work hard para umasenso tayong lahat…

  4. alam ninyo na na ang anak ay galing sa isang western movie theme song na tinagalog ni Ka Freddie.

    Source ko, si Johnny De Leon. Sikat noon ang kanta ni Sharon , Mr DJ, then Mr Johnny De Leon introduce the song of Anak , hindi isang kundiman o OPM kundi parang western na nilagyan ng titik Pinoy.

    Ka Freddi Style mo bulok

  5. HAY nAKO DAPAT ANG ASIKASUHIN MO MATANDANG KULUBOT AY YANG LAOS MONG ANAK NA KUMAKANTA NG ENGLISH SA MASTER SHOWMAN !!! MGA KULUBOT ANG MUKHA!!

  6. KUNG STYLE MO YAN PARA PAG USAPAN KA AT PASUKIN ANG BAR MO NAGKAKAMALI KA BACKFIRE YAN!!! LALO KA DI PAPASUKIN.. ATSAKA DI YAN NAGPAPAKITA NG PAGKA MAKABAYAN.. PAGKA TANGA PINAPAKITA NYAN..SAYANG KONTI NA LANG PANAHON MO SA MUNDO BINAHIRAN MO PA PANGALAN MO, KUNG NANAHIMIK KA SANA BAKA D NABAWASAN YUNG MGA HUMAHANGA SAU KUNG MERON MAN.. MAPAPASA PA SA ANAK MO YAN SUMPA NA YAN… YANG MGA MUSIC BAR MO MAGIGING TURO TURO NA LANG WITH KARAOKE HULOG 5 PESOS.. SANA SANA SANA.. PLS PO SANA MAKARMA ANG MATANDANG FREDDIE GUNGGONG NA TO!~!!!!!!!!

  7. pakakantahin si charice ng tagalog/visayan song sa American audience ANO KA GUNGGONG!!! NAKAKAWALAN KA NAMAN NG GANA ANIMAL KA! KATITING NA RESPETO KO SAU NAWALA PA SA GANYANG COMMENT NA HALATANG DI GINAMITAN NG UTAK.. im sure di 100% tagalog at original songs kinakanta sa mga music bar mo, napaka ipokrito mo naman. Kung magsalita ka parang walang pakiramdam yung mga tinuringan mo.. atsaka wag mo nga kaming lokohin na may nag alok sau ng P10m at tinanggihan mo pa kuno, ano gusto mo palabasin bayani ka???? MAS MABUTI PA SI PEPE SMITH SAU HUNGHANG.. PWEEE!!! BAGAY SAU WAG PASUKIN MGA BAR MO.

  8. Nakakalungkot na tong mundong to. May mga taong tumanda ng ganyan magisip. Galit sa mundo. Inggit sa kapwa. Kung kunserbatibong henerasyon si Freddie at tumanda sya ng ganyan magisip, pano pa kaya sa henerasyon ko.

    Mas malala siguro?

    Anyway, Charice kung mababasa mo to wag ka paapekto sa sinasabe ng mga inggiterang frog sa sarili mong bansa. May mga taong likas lang talaga lumake ng bulok ang pagiisip.

    Okay? Continue to be the good person that you are and more blessings will come. Marami naniniwala sayo and we’re very proud of you. =)

  9. Actually ANAK did not sink in for me. Medyo nakornihan ako at inantok sa melody. Paulit-ulit. Mas na appreciate ko pa ang DAHIL SA IYO maski lumang luma na.

  10. ISANG NAPAKALAKING IPOKRITO NITONG SI FREDDIE, KUNG PATRIOTIC TONG MATANDANG ITO, ISA RIN SIYANG MALAKING BAKULAW, BAKIT KANYO? EH SIYA NGA AAPIR SA MGA SHOWS NIYA MINSAN NAKA AMERIKANA, TAPOS YUNG TRADEMARK NYANG SUMBRERO AY PANG COWBOY, KUNDI BA NAMAN SIYA UNGAS! EH BAKIT HINDI SIYA MAG BARONG TAGALOG TUWING MAY SHOW SIYA? UMPISAHAN NIYA SA MGA KILOS NIYA, HINDI LANG SA KANTA YAN, KAILANGAN DIN SA HITSURA!, HINDI RIN MAKABAYAN ANG LALAKING PINOY NA MAY MAHABANG BUHOK , GINAYA RIN NIYA YAN SA MGA US ROCKERS.. MAKABAYAN? ISA KANG MALAKING PWEH!!

  11. Hay naku, kailangan pa bang tagalog ang kantahin ni Charice sa Oprah o kaya sa Celine concert? Kung siya kaya ay isang 16 years old at first time sa America, ganun ba gagawin niya? Hahanga ba si Oprah at ipapakilala siya kay David Foster at gagawa ng kanta na tagalog para kay Charice? Malabo atang mangyari ito.
    Si Arnel ay 20 years na kumakanta pero may nangyari ba sa career niya? Kahit na nung nagrelease siya ng kanta niya, di pa rin siya naging successful. Ngayon front man na siya ng Journey, sa tingin mo ba makikilala siya ng Journey o kaya makikilala siya sa buong mundo kung tagalog kinanta niya?
    Siguro kung yung gusto ni Ka Freddie ang ginawa nung dalawa, malamang balik sila sa dating buhay nila…

  12. Although I believe sa talent ni Charice and I wish good luck for her but she’s like any other celebrities na laging sinasabi, proud to be pinoy, para sa bayan ung kanilang ginagawa….the height of hypocrisy…just tell us that it’s for the money para umangat naman buhay mo..mas lalo ako hahahanga pag ganun.

  13. I agree with Ka Freddie…pagkakataon na un ni Charice para ibenta ang musikang pinoy..she should have sang any pinoy song, ung english ang lyrics para maintindihan ng audience…she can sing Sarah’s song or regine’s song kung gusto nya ng birit na kanta.

  14. sarap siguro isawsaw sa sukang may sili ang mga alimasag na sila macoi, charice hater, freddie kruger and joey conio. mga hinayupak na talangka!!

  15. ‘wag naman ganon…suportahan na lang natin siya…charice is a singer..not a composer / singer member of a band or folk singer something like what Mr. Freddie Aguilar does…They are not on the same forte…

    Not really a charice fan, I like SG more..but as a filipino I’d like to see her succesful…’wag naman tayo mghilahan pababa…siyempre she is being packaged as an american / int’l popstar maybe once she’s made her mark in the U.S. she can then sing a song in her native language like apl.de.ap….

    Medyo below the belt ‘to. Charice is just a kid. Let’s all support every filipino & not bring them down…Let’s be matured & a little open minded.

  16. BASURA AS IN BASURA LALONG LALO NA ANG MGA GMA ARTIST!!! LALONG NAGPA BABA SA QUALIDAD NG PILIPINAS HAHAHAHAHA

  17. FREDDIE KANTAHIN MO ANG ANAK SA CHINA EWAN KO KUNG MA APPRECIATE NILA .. GET NA LOGIC? STUPID KA TSE

  18. ANG CHALLENGE SA MGA OPM OR FILIPINO ARTIST!!! AYUSIN NYO ANG QUALITY NYO PARA TANGKILIKIN KAYO .. KAY FREDDIE NAMAN MANAHIMIK KA NA AT MAMAYAPA YUN LANG

  19. AMININ NA KASI NATIN!!! BASURA ANG OPM!!! DI PURKET FILIPINO AKO EH TATANGKILIKIN KO ANG MGA BASURANG OPM!!! LAHAT NG ALBUM NGAYON KAMUSTA NAMAN PURO REMAKE SO AS T.V SHOWS TSE!!

  20. eH ALANGAN NAMAN KUMANTA NG BAYAN KO SI CHARICE?! SA U.S.A KAMUSTA NAMAN KUNG MAINTINDIHAN YAN NG MGA OPUTI TANGA KA FREDDIE?

  21. Inggit with capital I!

    Panahon mo yun Freddie Aguilar.

    Subukan mo kayang kantahin ang Anak sa panahon ngayon at tinggnan natin kung papatok. Si Charice sumikat dahil sa boses niya, hindi sa mga kinakanta niya. Katulad din sa iyo yan. You think naintindihan ng mga di Pilipino ang Anak? Sumikat yan dahil sa boses mo, hindi dahil nakarelate sila sa kanta mo, unggoy!

    Unggoy, manahimik ka, hindi mo na panahon ngayon. Sinong pamilya ba ang nagmahal ng di Pinoy, di ba pamilya mo? Anong lahi ba asawa ng kapatid mo? Hindi ba ‘TUNOG AMERIKANO?’

    At yung kay Mariah, di totoo yun. She already denied that she said that! Bobong unggoy!

  22. I don’t blame Freddie for saying that. Wala namang original na kanta si Charice na sumikat. Sus! Gumawa naman siya ng sarili niya..

  23. Oh no Freddie, What’s happening to you man? OK ka lang na pakanta kay Charise “Dahil sa yo” E ang audience nya sa oprah at ellen ay mga kano. You think maiintindihan sya ng mga yun? C’mon don’t be stupid. You should be happy that Charise made it in the land of apples. Don’t be bitter. It kills..

  24. y dont be happy nlng s kapwa k freddie
    dey make us proud as filipino so b happy nlng
    at wag ng ikumpra ung dati o kpnahunan mo s ngayon

  25. freddie is the classic pinoy with crab mentality.

    all freddie said is nung kapanahunan nya…blah, blah. eh panahon mo yung freddie! ngayon iba na, kaya magising ka nga!

  26. FYI, ka freddie, si oprah mismo ang nagsabi kay charice na kantahin niya ang kanta ni celine dion, anong masama dun? INGGIT lang iyan ka freddie, dapat nga ay maging proud ka kay charice dahil kinikilala siya ng mga sikat dito sa U.S. hindi tulad mo.

  27. Nagpapaka kontrobersyal lang si Freddie kase gusto mapagusapan sya dahil nga sa bago nyang Music bar… ngayon lang sya nag comment against his fellow artists in time sa opening ng bar nya.. style mo freddie bulok…

  28. mukhang inggit ang ka Freddie na ito kay charice… tsk tsk tsk….
    imbes na matuwa sa narating ng kapwa niya kababayan sinisiraan pa… ano kana ka Freddie…
    natural na un ang kantahin ni charice kasi dun siya nakilala… BALIW…

  29. si freddie aguilar ang unggoy! utak unggoy! kasi ang IQ kasing baba ng sa unggoy. he should be proud of his fellow filipino’s achievement hindi yung siya ang bumubuhat sa sarili nya ang nagdadown sa iba. i expected a more decent press release from a national artist kuno, kakadisappoint talaga. di nya lang maamin na laos na siya = a has been!at di na sya pinapansin.

  30. hinangaan ko pa nman e2ng si ka freddie tapos kapwa pilipino e dndown nya. sobra ka nmang nationalistic na pati kababayan natin e pinabababa mo. wala kang pinagkaiba ke joey de leon.

  31. 90% of our artist have no originality. Lahat nang manga inaawit, hindi kanila. So what’s new. Charice became popular, not because of her songs but because of her voice. Na appreciate nang ibang bansa ang boses niya. Si Freddie Aguilar, bakit kailangan pa niyang sabihin na mayroon din siyang offer noong unang panahon. I detect some sort of jealousy. Charice, keep singing. Mas marami ang nakaka appreciate sa iyo kesa mga nega. I am very proud of you and I live in the US. Marami kang fans dito.

  32. Wow instead of being happy for a fellow Filipino negative pa ang sinabi. Well what will you expect from a young girl who idolizes other artists. Siempre she will mirror what she liked di ba. Right now she has original tunes that are at par and even above par to other INTERNATIONAL artists. Freddie Aguilar is an icon and is part of Philippine music history so its really disappointing to hear a mature adult saying negative stuff to a young just starting artist like Charice. Ibang tao pa naka appreciate sa kanya. Hay buhay

Leave a Reply

Your email address will not be published.