Ayaw talagang tigilan… Bela, nakakatanggap pa rin ng ‘hate mail’ kay Marian?

HANGGANG NGAYON, NAKAKA-RECEIVE pa rin daw si Bela Padilla ng hate mail galing sa mga fans ni Marian Rivera na matatandaang nakahidwaan niya noon. Nasasaktan daw ang hitad kapag nagbubukas siya ng internet eh, kung anu-anong negative comments ang nababasa niya, na obvious na galing daw sa kampo ni Marianita. Naniniwala naman ang young actress na walang kinalaman dito ang aktres. Maaari raw na hindi ito alam ng dyowa ni Papa Dong. Hindi naman niya maitatangging affected pa rin siya sa mga panlalait na natatanggap niya sa mga ito. Hindi sinisisi ni Bela ang kapwa Kapuso artist, pero sana raw, tigilan na ng mga fans nito ang mga ginagawang pang-ookray sa kanya. Wish namin, matapos na ang iringang ito dahil nakakasawa na, hehe! Bela, Marian, may pasasabugin pa kayo? Go!

Photos by Luz Candaba, Mark Atienza & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Ayaw talagang tigilan… Bela, nakakatanggap pa rin ng ‘hate mail’ kay Marian?

  1. MAKAKARMA ANG GUILTY KAYA MAG INGAT KAYO MGA FANS NI MARIAN MAY KATAPAT IYANG PINAG GAGAWA NINYO.HANDA BA KAYONG MAKARMA PARA SA IDOLO NINYO.ABER!

Leave a Reply

Your email address will not be published.