Ayaw sa ‘kapwa ko, mahal ko’
Vice Ganda, straight ang type!

BLIND ITEM: Sexy actress ang bida natin today sa ating kolum. Aba, sobra na yata ang paggapang sa hirap nitong si sexy actress. Aba ang latest naming balita sa kanya ay may ginawa itong nakakalokah talaga.

Hindi mo masasabing magagawa niyang takasan ang inuupahang condo unit sa may Quezon City.

At dahil nga mag-aapat na buwan nang ‘di nakababayad sa renta, tumakas na lang ito at nag-utos sa isang kaibigan na bitbitin lahat ang kayang damit palabas ng condo.

Buti na lamang at naipuslit ng kanyang inutusan ang mga damit dahil nga kung nabulilyaso ay walang maisusuot na damit ang hitad na sexy actress.

Yes, sobrang hirap na ang dinaranas ng sexy actres na ito.

Ang sabi lang ng marami, ‘yan ang karma niya.

Hindi na nga siya mabango na tulad ng mga bulaklak, mistulang tuyot at wala na siyang bango.

O, ‘di ba? Kung kailan kasi tumanda, mas naging sugapa sa bisyo.

 

MADALANG NAMING makita in person itong si Snooky  Serna. Huli namin siyang nakita ay nu’ng opening ng Shimmian Surgicenter sa SM San Fernando, Pampanga sa may second floor.

Du’n din namin nakumpirma na siya ay isa sa endorser ng said clinic. Kaya naman pala nakapaganda niya ngayon, kitang-kita na nang dahil sa Shimmian ay naging fresh look ang aktres.

Malayung-malayo siya sa dating Snooky noong wala pa siya sa Shimmian.

Isa kasi sa pinakamara-ming nagpapagawa sa Shimmian ay ang stem cell. At mukhang isa si Snooky nga ay kabilang du’n.

Walang eksaherada, tunay na beautiful siya ngayon.

At ‘yon ay dahil sa mag-asawang Dr. Levi Lansangan at Dra. Ana Marie Lansangan.

Bongga rin siya ngayon dahil nga after yata ng kanyang serye na Kahit Konting Pagtingin, may next project na naman siya, ang Annaliza sa ABS-CBN 2.

Masaya na raw siya sa ABS-CBN at sa totoo lang, wala nang nagrereklamo sa kanyang staff ngayon.

Kung gano’n nga, bagong Snooky na nga ang nakikita natin sa kanya.

At may movie rin siyang gagawin na may title na Sugo kasama sina Richard Gomez, Albert Martinez at Bong Revilla. Tungkol ito sa mga namuno ng Iglesia ni Cristo. Sa script ni Arlyn dela Cruz at siya rin ang executive producer, at sa direksiyon naman ni Tikoy Aguiluz.

O ayan ha? ‘Di ba, Jen Geroche, ngayon?

 

NAPAKA-OPEN ITONG si Richard Yap o mas kilalang Sir Chief sa pag-endorso kay Jun Magsaysay para senador.

Kahit nasa commercial na siya na inienderso si Senator Jun, open din siya sa paglantad sa kampanya. Kamakailan nga ay kasali rin siya sa grupo ng supporters ng kanyang iniendorso. Sa show na Harapan 2013 ni Ted Failon, kasali rin siya sa grupo.

Kung si Papa Chen ang Papa ng masa, puwede rin sigurong maging Papa Jun ng Senado si Jun Magsaysay. Dito masusukat kung effective nga ba si Sir Chief na endorser.

 

HINDI NGA totoong boyfriend ni Vice Ganda ang dancer ng G-Force. Ang tsika kasi sa amin ay bakla raw ang natsitsismis sa kanyang dancer.

Kilala namin si Vice na hindi niya type ang mga silahista. Gusto niya ang straight at hindi may pagka-beki. So, false alarm.

Sa pagkakilala namin kay Vice, madali niyang ma-detect ang beki at hindi.

So, tapos na ang isyu sa G-Force dancer.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

3 thoughts on “Ayaw sa ‘kapwa ko, mahal ko’
Vice Ganda, straight ang type!

  1. HOY FER, MAG-ARAL KA NAMANG MAGSULAT LOLA. NAG-JOURNALISM KA BA O PINABILI KA LANG NG TINAPA AT NABASA MO ANG PINAMBALOT NA DIYARYO AND YOU DECIDED YOU CAN BE A WRITER, TOO? SAAN KA NAMAN NAKAKITA NG WRITER NA MAY PA”ABA, ABA” PA SA BEGINNING NG SENTENCE? KUNG SABAGAY, BAKA, 100 PESOS LANG BINAYAD DITO SA WRITE UP MO. PERO PLEASE, TAMA NA ANG MGA TULAD MONG BASURA KUNG MAGSULAT. TULOY BASURA RIN ANG NAPUPULOT NG READERS MO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.