Ayaw raw kasing ibalik sa dating timeslot ang teleserye
Robin Padilla, ayaw na ring mag-appear sa kanyang sitcom?!

HINDI KAMI nakakapanood ng Toda Max kaya hindi namin alam kung naroroon pa si Robin Padilla.

We’re curious to know kung nasa cast pa siya after reading an item in a website which said na there is an actor na nagbanta raw na hindi sisipot sa taping ng kanyang sitcom kapag hindi ibinalik sa dating timeslot ang kanyang soap opera.

Obviously, the item was referring to Robin who is cast in Toda Max and who is also seen in Kailangan Ko’y Ikaw.

True kayang nag-demand si Robin sa Dos na ibalik sa dating timeslot ang soap nila nina Kris Aquino at Anne Curtis?

At true rin ba na dahil hindi ibinalik sa dating oras ang teleserye nila ay hindi na sumipot ng taping ang action star?

Maybe Robin should shed light on this issue.

O baka naman sobrang hectic ng schedule niya para sa taping ng Kaila-ngan Ko’y Ikaw kaya he felt na mas magandang doon muna siya mag-concentrate kaysa sa kanyang weekly sitcom.

 

HINDI PA pala formal na nanliligaw itong si Sam Milby kay Shaina Magdayao.

Apparently, he is taking his sweet time in pursuing the younger sister of Vina Morales. Kumbaga, kumukuha pa lang siya ng tiyempo para pormal na ligawan ang aktres.

A birdie told us that Sam is really like that as a suitor. Matagal bago siya magpasiya na manligaw talaga. Although he is very vocal in saying that he admire Shaina, hindi pa naman siya talagang pormal na umaakyat ng ligaw.

Actually, ang gusto raw ni Sam, kung liligawan niya ang isang babae ay nakatitiyak siyang sasagutin siya nito.

Ganito rin daw ang nangyari sa kanila ni Anne Curtis noon. It took him a long while para ligawan ang aktres and when he felt na oras na talaga, he wasted no time at ‘yun, napasagot naman niya ang dalaga.

 

BINAKURAN NGA ba ni Maricel Soriano si Gerald noong magkaroon ng party sa balaysung ni Deo Endrinal?

Marami kasi ang nakapansin na palagi raw nakadikit itong si Marya sa binata while the party was going on.

Kung nasaan daw si Gerald ay asahan mong naroon din sa kanyang tabi ang veteran star.

True ba itetch?

Hindi na nga nagtaka ang aming friend nang matsismis na tila na-in love itong si Marya kay Gerald.

 

MAYBE, OUT of delicadeza, ay hindi na dapat pang inuungkat ni Mel Tiangco ang nakaraang gulo niya with ABS-CBN executives.

It leaves a bad taste in the mouth when she, in her recent interview, lambasted some ABS-CBN execs na sinasabi niyang nang-api sa kanya.

Imagine, she’s promoting her show na hindi naman nagre-rate at the expense of the ABS-CBN network executives.

And nakakaloka pa, nangyari ang gulo niya with the Kampamilya Network executives 18 years ago pa, pero it was obvious na hindi pa rin nakaka-move on itong si Mel.

Bitter pa rin pala ang beteranang broadcaster na ito. And what’s funny is that sinasabi niyang napatawad na niya ang nang-api sa kanya but she relishes the idea of talking about them kapag may interview siya.

What’s eating you up, Mel Tiangco?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

38 thoughts on “Ayaw raw kasing ibalik sa dating timeslot ang teleserye
Robin Padilla, ayaw na ring mag-appear sa kanyang sitcom?!

  1. Lahat na Lang gagawin ni Robin,Kris at Anne para mailsalba ang Walang kwentang teleserye nila.akala ko ba sikat sila? Nalulunod na sa ratings ang Kailangan Ko’y Mag rate! Si Robin at Mariel-ang love scene,Kay Kris ginagamit si James Yap at ang binayad nyang millions dito,si Anne nagpakita na nag p– para Lang mapag-usapan kasi kulelat na sa ratings ang teleserye nila! Nagpapamigay pa ng prizes si Kris sa Kris tv para matabunan ang semplang rating ng Kailangan Ko’y Ikaw . Si Anne Kung Hindi magpasexy Hindi panoorin ng mga Tao! Tigbakin na Lang kaya nila.

    • kya yan flop kz ksama si kris sa sisterakas na super blockbuster, di ba ktulad kay sarah, jlc, bea, mga blockbusters movies nila pero sa teleserye flops

  2. kumpara sa baklang to ano ba achievement mo bukod sa pangtsitsismis? at anong hindi nagrererate? kumpara sa mmk mas mataas rating ng magpakailanman wally bayola story. nationwide yun ha. hiyang hiya naman ako sa mga write ups mo ang chaka parang fez mo lang. masyadong bias…

  3. I am from Mindanao at talagang mas gusto namin ang kailangan koy ikaw panooriin kaysa apoy sa dagat. Nanghihinayang lang kami na na moved ang timeslot. It’s too late nah.

  4. Well at first I read about that recent interview I just ignore para kc ang panget, in fact I didnt even finish reading it kc nakakaksuka!!! what do you expect from her? wala she was saying something but doing differently….nakakasuka ang mga personality nang ganyang mga tao….she was saying that she forgive already the people who done her wrong but then she was saying all this in retrospect full of bitterness and hatred…me halong pag mamalaki na sa GMA she was treated right and she was happy…does never realize that what she was when she transfer to GMA she was already big she has a name already courtesy of her long exposure to the channel that made her as MEL TIANCO now what GMA did is capitalize with that name…..of course she will be treated right because she was big catch to GMA who at that time does not really making any progress in terms of news and current affairs as oppose to ABS (and nobody will contest to that) so I guess MEL loses her credibility because of what she says. gagawa ka lng ang gimik…dapat ung malinis hindi ung babalik sa fez mo my dear so good luck to u and ur so called happy life with GMA kung kelang ka tumanda mas lalo kng tumandang paurong….no wonder wla kyo makikitang mag reporter from ABS my name man or wla na nasa commercial and kung meron those are the personality that was also invoice in containment and news and that was MEL did not accept….so ayun nasa GMA sya where she can do whatever she wants and nobody will dictate her or makikialam sa kanya dahil kung meron for sure nasa channel 5 na yan!!!!!

  5. Lumabas na naman ang unprofessionalism ni Robin. Gaya ni Mariel, mahilig silang hindi sumipot o di kaya mag walk out sa show nila. Hindi bale sana kung marami silang projects.

  6. yung article kay robin padilla at yung kay gerald-maricel issue ay kinuha ni alex brosas sa website na fashion pulis and the said articles were blind items na lahat ng sagot doon nga ay sina robin gerald at maricel.

    .

    kailangan kasi ng rating ni mel tiangco kaya kahit 18 years na ang nakakaraan mula nang inaapi api daw sya at tinuring na parang ipis, inungkat na nya uli. just for the sake of publicity. plastikada kasi si tiangco feeling bait baitan ang lola eh may gahaman rin namang ugali. bakit pa kasi binuhay buhay ang show nya eh ni hindi nga makahabol sa rating with mmk. pinagmamalaki pa nyang tinalo daw ng show nya noon ang mmk eh bakit tinigbak? tapos ibinalik uli pero nganga pa rin ang peg.

    • Hindi naman exclusive ang tsismis or showbiz  news. Bias rin doon sa fashionpulis no! Karugtong yan ng abscbn clout. If Hindi nila feel yung artista or na threatened yung favorite nila, I tsismis ka doon,if friends nila ang  artista Hindi mo makikita any BI and if you write against their favorites,Hindi nila ipost. Buti na Lang dito sa pinoy parazzii, you can say anything you want,Walang kinikilingan.

    • LOL. SOBRA KA NAMAN. PERO AGREE AKO SA WRITEUP HA. DI NA DAPAT INUUNGKAT NI MEL TIANGCO ANG PANGGAGANTSO KUNO NG ABS-CBN SA KANYA. BAKIT A COUPLE OF YRS AGO EH PUMAYAG SYANG MASALI SA DOCUMENTARY TUNGKOL SA TV PATROL, KUNG MERON SYANG SAMA NG LOOB SA KANILA? MAY NAGAWA RIN NAMAN ANG ABS SA KANYA.

  7. BAKLANG ALEX BROSAS NAGMICK UP NANAMAN NG SCOOP SA FASHIONPULIS.COM! KAPAL NG APOG NG “REPORTER” NA TO!!! KUMIKITA SA SCOOP NG IBA! OI BAKLANG AGNAS ANG MUKHA MAHIYA KA NAMAN SA FP!!!! TIGAS NG MUKHA MO!

  8. nabasa ko sa pep yung interview kay Mel. Nakaka disappoint lang na until now hindi pa sya nakaka move on at halata na ginagamit nya ang abs para sa publicity. Nagulat ako kasi hindi naman naging big issue yun noon at ngayon ko lang nalaman na may ganung issue pala sa kanya. Feeling nya inapak apakan sya eh alam naman nya ang rules and regulation ng company tapos susuwayin nya. Ang tagal tagal na noon pilit nya pang ibinabalik kaloka wala ng maisip para pag usapan.

  9. hahay tama naman walang preno kasi yan c Mel T….kala mo kung sinong sikat!…Hoy matanda kana!….Diba xa rin ung nanglait kay Dophy?…OVER KA LOLA!

  10. Paano hindi sasama ang loob ni Mel Tiangco sa ABS, eh hanggang ngayon eh Ban ang mga commercials ni Mel sa Ch. 2.

    Kaya maraming dapat endorsements si Mel eh nag-backout na lang dahil hindi papayagan ng ABS ang mga commercial lumabas sa ch. 2.

    Eh sino kaya ang hindi maka-move on?

    • tanga kaya umalis si mel tiangko sa abs kasi pinagbawalan ang mga taga news na maging endorser at gumawa ng commercial eh sayang kita nya sa commercial kaya lumipat sya gma, bakit na man iba ban ang commercial ni mel tiangco sa abs eh dagdag kita sa company yun at tsaka ano ba ang commercial ni mel tiangco dati diba alchohol eh tanong kaya ba nila magbayad ng spot ng commercial eh pang mga amateur boxing lang sa ptv4 ang nilalabasan nun kasi barya lang ang bayad wala kasi nanunuod …….. at pinaka importante sino ba interesado kumuha kay mel tiangco maging endorser eh dami mas sikat at sariwa dyan

      • Ikaw ang tanga si Mel mismo ang nagsabi nya na Ban ang mga commercial niya sa Dos sa interview sa kanya noon pa.

        At ang punot-dulo ng pag-alis niya sa Dos kasi nakapirma na siya ng contract as endorser ng Tide bago pa man ipagbawal yung mga taga news na mag-endorse. Di naman niya pwedeng hindi sundin yung contract at baka idemanda siya.

        Nakiusap naman siya sa ABS na bigyan siya nang exception hanggang matapos lang yun contract niya. Eh hindi naman siya pinag-bigyan.

        At kaya hanggang ngayon Ban pa mga commercial ni Mel sa Dos, kasi denimanda nya ang ABS ng illegal termination, na hanggang di pa rin tapos ang kaso sa korte.

      • tapos n ang kaso binayaran na sya ng abs  cbn i think worth 13 mil….kaya nagsalita na sya…tapos n ang kaso…

  11. what do you expect from an aging newscaster? kailangan panatiliin ang career, otherwise san kukuha ng pambili ng botox at formalin to preserve her sagging and deteriorating face and body?

  12. ay naku c alex na naman…tnira n naman ang taga gma…magkano  monthly ang sweldo mo sa abs…dapat lang magsalita..dahil tapos n ang kaso…nnalo nga  c ms. mel …d ba ..aminin…

Leave a Reply

Your email address will not be published.