AYAW PAG-USAPAN SI MAINE: Arjo Atayde, iwas pusoy sa media!

Maine Mendoza and Arjo Atayde

MADAMI ang nagtatanong kung nasaan si Arjo Atayde at tila absent siya sa media conference ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles na official entry para sa darating na MMFF 2018 na pelikula nina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin kung saan he plays a very important role as the main “kontrabida” just like his role in Coco’s  FPJ’s Ang Probinsyano noon.

Madami ang naghahanap sa kanya yesterday dahil andun at present si Maine na timing lang na maganda sana kung magkasama ang ang dalawa in one frame sa harap ng media lalo pa’t mainit ang usapan tungkol sa kanilang “secret relationship”.

Maging si Maine maloka-loka sa panguurirat ng media tungkol sa rumored romantic relationship nila ni Arjo.

After the open forum na inabisuhan na ang media na no personal questions, nakalusot pa rin ang mga “Arjo” questions sa dalaga sa may bandang open air area ng mediacon venue.

First time nagsalita ang dalaga tungkol sa personal friendship nila ni Arjo matapos na mapagkita ang dalawa sa iba’t ibang kaganapan.

Say ng dalaga tungkol kay Arjo na nasa getting to know stage pa lang sila ng aktor na nabibigyan na ng kumpirmasyon ng mga miron.

Say ng dalaga: ”Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”

Ganun din ang sagot ni Arjo kapag tinatanong mo siya about Maine.

Arjo and Ria Atayde in Maalaala Mo Kaya

Sa short chat namin sa binata recently on Maine: “I’ve always wanted to work with her. I’m happy and thankful.”

Are you happy with her (Maine)?

Straight to the point na sagot ng aktor: “I’m more than happy,” maikling tungon ni Arjo.

Yesterday, Thursday, December 6 ay super hectic ang schedule ni Arjo na kasabay ng media conference ng MMFF 2018 movie nila nina Bossing Vic, Maine and Coco ay nagpo-promote ang binata ng kanilang MMK episode na Sibuyan Siblings na mapapanood bukas, Saturday, December 8 together with his sister Ria Atayde tungkol sa buhay ng Marin Siblings who are both environmental activists na dinirek ni Giselle Andres with Ernie Garcia and Miss Techie Agbayani kung saan sa Sibuyan Island in Romblon pa sila nag-taping.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.