Ayaw nang pag-usapan ang tungkol sa nude photos
Marjorie Barretto, ‘di raw mahilig sa atensiyon

IWAS NANG pag-usapan pa ni Marjorie Barretto ang tungkol sa kumalat na nude photos niya, kung saan ayon nga sa dating aktres ay ayaw na niya itong pag-usapan. Ang hiling na lang ni Marjorie sana ay lubayan at tigilan na siya ng mga intriga dahil hindi siya mahilig sa atensyon mula sa ibang tao. Sa simula pa lang, hangga’t maaari, tinatago na niya ang personal niyang buhay sa publiko.

Nang tanungin namin kung tuloy pa ba ang pagdedemanda niya sa ilang press people na nagpakalat daw ng larawan at sa taong nagpakalat nito, ayon kay Marjorie ay depende ito sa kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan. Pero kung malalaman kung sino talaga ang nagpalabas nito ay idedemanda nila dahil may batas itong dapat panagutan.

Sa pagkaugnay ng pangalan ng asawang si Dennis Padilla sa isyu, kung saan ayon sa isang blog ay may lumabas daw na open letter ang aktor para sa dating asawa na negatibo ang sinasabi, nagulat si Marjorie at inamin niya na hindi niya alam ang tungkol dito.

‘Di naman itinago na wala na silang komunikasyon ng dating asawa, matapang ang pahayag ni Marjorie na kaya niyang buhayin ang mga anak hindi lang sa aspetong pinansyal, kungdi maging sa paggawa ng desisyon para sa mga anak.

Pinagpapasalamat ang buong suporta na ibinibigay sa kanya ng mga anak, kung saan ayon kay Marjorie, sila ang pinagkukuhanan niya ng lakas sa anumang mga pagsubok na pinagdaraanan niya.

Masaya sa magandang tinatakbo ng career sa ngayon ng anak na si Julia, pangarap pala talaga ng young actress ang mag-artista noon pa man at ngayon ay unti-unti na itong nagkakaroon ng katuparan.

Tinanong din namin kung nandu’n ba ang hiling niya na sana ay maayos na rin ang problema nilang mga Barretto, para kay Marjorie, hindi eksaktong maayos sila kundi matapos na lang ang lahat.

 

KINUMPIRMA NI Ai-Ai delas Alas sa guesting niya sa katatapos na concert ni Vice Ganda sa Araneta na may pinagdadaanan nga siya ngayon, at lalong nakumpirma ang balita na hiwalay na nga sila ng asawa.

Pinatibay pa ito ng tweet ng Comedy Queen na sana ay ipaubaya na muna sa kanya ang katahimikan sa ngayon at magsasalita siya ‘pag okay na siya. Balita na isang linggo pa lang pag-uwi nila ng bansa ni Jed ay naghiwalay na raw ang dalawa.

Iba’t ibang kuwento ang naglalabasan sa ngayon kung bakit nagdesisyon daw ang komedyana na tapusin na ang kanilang relasyon gayong nauwi pa ito sa kasalan noong April 3 sa Las Vegas. Nandiyan ang kuwentong may asawa’t anak daw si Jed, may nabuntisan daw itong ex-girlfriend niya, bukod pa sa isyung lulong daw ito sa sugal. Mga samu’t saring mga kuwento na tanging sina Jed at Ai-Ai lang ang nakaaalam at makasasagot.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Ayaw nang pag-usapan ang tungkol sa nude photos
Marjorie Barretto, ‘di raw mahilig sa atensiyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.